EPILOGUE
2 weeks na ang nakalipas after nung sem-ender naming at nandito ako sa bahay ngayon dahil bakasyon na.
Medyo mas maayos na yung lagay ko kaysa sa naunang linggo na sobrang balisa ako.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na kahit ano mula kay Loraine. Akala ko pa naman hindi siya susuko at handa na siya pero mukhang wala na talaga siyang balak na magkaayos kami o kahit maging magkaibigan man lang ulit.
Inaamin ko na masakit pero wala naman akong magagawa dahil choice niya yun at nirerespeto ko yun.
Ang mahalaga wala akong pinagsisisihan ngayon dahil nasabi ko sa kanya yung mga hinanakit ko at tunay kong nararamdaman na nakakagaan naman kahit pano sa pakiramdam.
Nagtake ako ng risk at inisip naman kahit minsan lang yung sarili kong kaligayahan nung umamin ako sa kanya. Hindi man naging maganda ang kinalabasan at least nagawa kong ipaglaban yung kaligayahan ko at pagkakaibigan namin.
Speaking of pagkakaibigan, nandito ngayon yung tatlo at binubulabog na naman ako. Kesyo lanta na daw ang beauty o di naman kaya ay inaamag na daw ang feslak ko. Ang supportive nila noh? Haha.
Bigla-bigla nila ako inaya na gumala daw kaya wala na akong nagawa kundi pumayag dahil hindi naman nila ako titigilan.
"Princess, dalian mo naman gumayak at kumilos magsisimula na yung race eh. Nakakahiya naman sa kaibigan ko dahil nagpareserve pa ako sa front seat para sa ating apat" maktol na naman ni Michael na kanina pa apurado.
Nagulat nga ako at naexcite at the same time nung malaman na race pala pupuntahan namin dahil never pa naming natry yun ever.
"Para namang di mo kabisado yan," hirit naman ni Apolonia na puno ng cake ang bibig. Ayan na naman siya sa habit niya.
Kung ako talaga si Eros hindi ko magugustuhan tong si bes. Haha. At mas inuna niya pa talaga kamustahin yun ref naming kesa sa akin mismo. Kahiya sa kanya. Haha.
"Hoy babaitang dugyot, lumunok ka nga muna bago magsalita" sita sa kanya ni Jor na lalo namang ikinasama ng mukha nito. Haha. Buti nga sa kanya. Serves her right. Haha.
Nang makarating kami sa venue nadoble yung excitement ko dahil sa dami ng tao na andun, nakita ko pa nga yung ibang classmates naming at pati si Emi andun. Umasa tuloy ako nab aka nandun din siya, pero boyfriend daw ni Emi ang kasama niya. Hay.
Pero hindi ko nalang inentertain ang lungkot at pumwesto na kami sa reserved seats naming. Wow, paVIP kami haha.
Nagsimula na ang race at sobrang malat na kami nila bes kakatili para sa kanya kanya naming mga bet. Ang saya pala manood ng ganito.
Nakakalimutan ko yung sakit.
Super cheer talaga ako para sa car #47. Ang astig kasi nung sasakyan eh. May ibang vibes na dating sa akin.
"Oh inom ka muna bes," sabi ni Jor sakin sabay abot ng mineral water na tinggap ko naman. "Relax bes at goodluck" makahulugang dagdag pa niya na hindi ko naman magets ang ibig sabihin. Siniko siya ni Apol at pinandilatan. Hindi ko nalang sila pinansin dahil weird naman na sila dati pa. hahaha!
"C.r. muna kami bes ah" paalam naman ni Apolonia sabay hablot kay Jor-jor. Hindi man lang nag-aya ang mga buset.
"Be happy princess" sabi naman nung naiwan na katabi ko pero bago ko pa masabi na masaya ako at makapagthank you sa kanya for inviting us here ay nakatayo na pala siya at likod niya nalang ang nakita ko.
"Ano ba naman yung mga yun kung kelan matatapos na yung race saka mga nagsialisan. Bahala nga sila. Basta ako mage-enjoy lang" pabulong na sabi ko sa sarili ko dahil mag-isa nalang naman ako at sobrang nakatutok ako sa race.
Nung akala ko patapos na ang race, bigla naman nagsihintuan yung mga sasakyan at nagform ng line.
"Luhh? Anyare kaya? Ganun ba talaga to?" taking-taka na tanong ko sa sarili ko.
Pagbalik nung tingin ko sa field isa-isa ng nakababa yung racers sa sasakyan at may mga hawak na placards each. May proposal pa atang magaganap ditto ang swerte naman nung girl, isip-isip ko.
WILL YOU BE MY FRIEND AGAIN? – yan ang nakalagay sa mga placards.
Ang bongga diba? Friendship palang may effort na. Ganyan sana lahat para happy lang.
Nalungkot tuloy ako ng maalala na minsan na nga pala akong iniwasan ng isang kaibigan. Hay.
Akmang aalis na rin ako sa upuan ko par asana hanapin yung mga kasama ko nung biglang baligtarin ni racer #47 yung hawak niyang placard.
Akala ko naman blangko talaga yun.
Biglang tumutok sa kanya yung isang camera sa field at literal na nanlaki ang mata ko nung mabasa yung nasa placard niya.
"BABY" yan ang nakalagay. Ayoko mag-assume pero parang automatic na bumilis ang tibok ng puso mo nung mabasa yun.
Para sa akin ba yun? Tanong ko sa sarili ko. Pero hindi ko alam ang sagot. Pano ko malalaman?
Luminga linga ako sa paligid hoping na makikita si Loraine na magpapatunay na siya ang may pakana nito. Pero walang Loraine kaya malungkot na bumalik nalang ako sa pagkakaupoko at hindi na umasa.
Nabigla ako ng mag-alis ng helmet si #47 habang nakatalikod sa camera.
Babae pala siya dahil kusnag bumagsak yung straight niyang buhok ng maalis ang helmet.
Bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng paglingon ko sa LED screen ay pamilyar na bulto ng babae ang nakita ko. SIYA YUN. Hindi ako maaaring magkamali dahil kabisado ko yun.
And as if on cue, humarap siya sa camera at kumindat na agad ikinablush ko.
SIYA NGA.
Bigla ay lumitaw din yung mukha ko sa LED screen na huling huli na nagbablush. Nice timing.
Para tuloy naging sign yung pagbablush ko as a YES, pero okay lang naman sakin dahil willing naman ako maging kaibigan ulit siya. HAHA!
Maya-maya naglitawan sa tabi ko yung mga kasama ko, pati na din ang kapatid ko, si mommy at iba pa naming classmates. So, kasabwat pala sila.
Napangiti tuloy ako lalo at nabuhayan, mukhang seryosohan na to ah. Haha.
Ang lakas ko naman kay Lord. Binigyan niya talaga ng enough courage si Loraine to pull this up and fight for our friendship.
Parang sobrang inspired siya na mapalabas ulit sa bibig ko ang magic words na:
"I LIKE YOU."
Which is a very good idea for me.
Pero syempre pahihirapan ko muna siya bago ko ulit masabi yan.
Kailangan namin ng fresh start at eto nga yung 'friendship proposal' niya. ;)
Parehas naman pala kami na may matinding pagpapahalaga sa pagkakaibigan at para sa isa't-isa.
Andun pa rin yung takot pero ang mahalaga sa akin ngayon, this time kasama ko na siyang haharapin yun at hindi na mag-isa.
Kung papalarin na magbloom pa ito into something deeper, we'll truly treasure it but if not at hanggang friendship nalang talaga, ganun pa rin ang magiging pagtanggap namin.
Wala naman kasing madaling bagay sa simula. Lahat pinaghihirapan muna bago mo masabing 'madali'. 🙂
THE END.
BINABASA MO ANG
I like you (Short story) (gxg)
RandomThis is obviously a girl to girl story. A short story to be exact about two college girls whose either gonna take a risk for falling or leave as fast as falling.