Moments :">

17 0 0
                                    

grabe yung pinagdaanan namin ni sean nung ilang months, nag away nga kami nung januray 10 eh, sabi niya alalahanin ko daw yun kasi, tinapon ko lang naman yung singsing na binigay ko sakanya, ilang araw ko din hindi sinuot yung kwintas ko.

February ngayon, magvvalentines day na. nakwento sakin ni sean na hindi daw siya nagbibigay ng flowers o kung anong anek pag valentines day, si che lang daw ang nabigyan niya, si che ang pinakauna. february 13 ngayon, bukas na ang valentines day, habang may event sa gym, nanuod kami ni sean, gusto ko sanang hiramin yung bag niya pero ayaw niya, baliw talaga yun, hindi ko namanlayan, bumigat bag ko, may nilagay pala siya. chocolates.

Ayan, hindi ako sanay mag bigay ng regalo pag valentines day eh. - siya

nge, teka, ba't ngayon pala tayo nagcecelebrate ng valentines day? bukas pa yun di ba? 

ayoko bukas, marami kasing magcecelebrate bukas, ayoko ng dumagdag at makisali pa tayo, ang baduy kaya.

haha. sige na nga, hindi na ako kokontra.

*umuwi kami ng bahay para magcelebrate ng valentines day. we've celebrate our valentines day February 13, ang cute nga eh, tska, first time ko to na may nagbigay ng chocolates. haha. habang nasa sala kami at kumakain at soundtrip.

Goodmorning Moon, I love you :*

Goodnight Moon, I love you.

Moon, I love you, mahal na mahal kita. huwag kang bibitaw ha? 

sa sobrang pagmamahal ko sakanya, hindi ko na talaga kaya pa siyang bitawan. 

Dahil sa foundation day na namin, every 4 years, nagkakaroon ng field demo. abalang abala kaming lahat para sa practice natapat saamin ang sayaw sa mindanao, tinalak festival. hindi ko akalain na magkakasakit ako ng ganito, sobrang inis ko! filipino subject namin ng magpaalam ako sa teacher namin na magpapaclinic ako, sinamahan naman ako ni sean, grabe na daw kasi ang lagnat ko. kahit pa nilalagnat ako, pumapasok parin  ako ganyan katigas ulo ko. kahit mga teachers pinagalitan na ako. hindi rin ako nagpapahinga. nung nagppractice na para sa field demo, hindi na ako pinasali ng adviser namin, baka daw kasi lumalala pa sakit ko, kaya ayan nanuod nalang ako.

para mas gumaling daw ako, iniwan nila ako sa room at dun lang daw ako, habang nagpapahinga sila sa practice, biglang umakyat si sean para tingnan kung okay lang ako.

Okay lang ba dito? hindi ka naman nabobored na mag isa ka lang? - siya

Okay lang ako, masakit lang ulo ko. 

ikaw kasi, pumasok ka pa, grabe pa lagnat mo oh.

okay lang ako moon.

* nung narinig namin na magppractice na ulet sila para sa field demo. aalis na sana siya kaya lang..

*kiss

kiniss niya ako sa noo ko at umalis na siya. kinilig naman ako dun. 1 week akong may sakit. dumating yung araw na magppresent na for foundation day. ang araw na pag present namin ang monthsary namin ni sean, hindi ako kasali sa presentation pero may grade daw ako sabi ni maam kasi nagpractice din naman ako nun, nabigla si sean sa suot ko, babaeng babae kasi ako, naka heels pa ako niyan. ako ang taga picture nila, hawak ko yung DSLR ni mark. ako na rin ang nagbabantay ng mga gamit nila.

after ng field demo namin, sumayaw na ako sa presentation namin, dalawang beses kasi ipperform yung sayaw na yun sa graduation ng CAT.

sobrang naging busy kami nag defense pa kami at ang dami pa namin ginawa kasi nga graduating kami. para mawala ang stress namin, naisip namin ang Seniors prom na papalapit na.

SENIOR'S NIGHT

sa gym nanaman ang location ng prom. masaya ang senior's prom, si sean ulet ang first dance ko, sinayaw niya nga pala si krystal. kapag may gustong sumayaw sakin, nagpapaalam pa sila kay sean. tinanong ko sa mga kklase kong lalake kung bakit ganun? sabi nila, mas mabuti na daw yun.

nung sinayaw ako nung super crush ko nung 3rd year, nainis ako kay sean, bigla kasing nagreact tapus nag salita ng..

HAHAHA. YAN MAN. Kinikilig ako! grabe. 

nainis ako nun pero hinayaan ko nalang, sinayaw niya nga si loraine eh! tsk. kaya wala dapat pakialamanan. nung si esteven na ang sasayaw sakin, grabe makatingin si sean. hay. pauwi na kami, okay na kami ni esteven, siya ang naghatid saamin naka kotse kami at siya ang nagddrive, makikitulog ulet sina sean sa bahay, kasama si andrew, tel at jessica. kasama din si cassandra, mark at jillian. so, overload ang bahay. sina cass kasi, tumambay pa kung saan kaya nauna kaming umuwi nina sean. agad nakatulog si andrew kasi nawala yung bag niya at coat. hay.

bago pa matulog si sean, kiwenento niya sakin yung tungkol sa sayaw nila ni loraine. hay nkoo! may nakita nga daw silang shooting star eh. bwisit. nainis ako! sobra akong naiinis. selos na selos nanaman ako.

DEAR DIARY‏‎♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon