"Ate, gising na! Mali-late ka na sa class mo kapag hindi ka pa bumangon d'yan!"
Napadapa siya sa kama sa tinakpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang super duo niyang mga kapatid. Sa lakas ng boses ng mga ito at sabay pa kung gisingin siya ay nagigising yata talaga pati ang nanahimik niya cells sa katawan. Inaantok pa siya at hindi pa tumutunog ang alarm clock niya. Halos kada-umaga na lang na binubulabog ng dalawang makukulit niyang kapatid ang tulog niya simula ng matutong magsalita ang mga ito. Kambal ang dalawa at tanging kapatid niya.
"Go away! Can't you see I'm still sleeping?" naiinis niya bulyaw sa dalawa na hindi man lang nasindak sa mataas na tono ng pagsasalita niya. Kung sa bagay ay ganoon na ang linya nila araw-araw, pero hindi pa rin siya nasasanay. She hates waking up early. Tinakpan na niya ulit ng unan ang ulo niya.
"You're not sleeping Ate." sagot ng isa sa kambal.
"At paano niyo naman nalaman aber?" Inis pa rin niyang wika sa mga ito na nang tumagilid siya pero nakatalikod sa mga ito. Still nakatakip ang unan sa tenga niya.
"Kasi sumasagot ka sa amin. Unless you're sleep talking." sagot naman ng isa pa.
"Five minutes more okay? Please, inaantok pa ako at masyadong maaga ang pag-aalarm niyong dalawa! At kapag hindi pa kayo lumabas ay pagbubuhulin ko talaga kayo hanggang sa hindi na kayo makahinga! Aahhggrr!"
"Wooh! Mo--nster..." sabay na sabi ng dalawa. Kalmado at talagang nang-iinis pa ang tono ng mga ito. Narinig pa niya ang sabay na pagtawanan ng dalawa at batid niyang naglakad na palabas ng kanyang kwarto.
Dilat na dilat na ang mga mata niya dahil sa ginawang pambubulabog ng kambal. Yozack and Izaack never failed ruin her beauty rest. Lumala kasi ang pagiging alarm clock ng dalawa sa kanya nang tumuntong ito ng grade 3. Almost 10 years ang agwat ng edad niya sa mga ito. Akala nga niya noon ay hindi na siya magkakaroon pa ng kapatid. Masaya rin naman siya sa pagdating ng dalawa sa pamilya niya kahit pa sabihing panalo sa kakulitan ang mga ito.
"Five minutes is over!"
She wasn't expecting that. Sa gulat niya nahulog tuloy siya mula kama niya nang akmang babangon na siya.
"Whateeverrr!!! Goo awaaayyyy!!!!" she almost screamed. To the highest level na ang inis niya, umagang umaga pa lang. Oh Lord, bigyan niyo pa po ako ng mas mahabang pasensya habang ako ay nabubuhay.
She's almost done on her morning rituals bago pumasok sa school. Graduating na siya sa kursong Business Administration sa St. Joseph's Academy. Papahiran na sana niya ng lip gloss ang mga labi nang biglang pumasok mula sa bungad ng pinto ang lalaking nagpapabilis ng pintig ng puso niya.
"Zahckie Jean Quijano! Ang tagal mo. Namuti na ang buhok ko sa kahihintay sa'yo sa labas oh!" sinuklay pa nito ang buhok gamit ang kamay at noon lang niya napansin ang bagong kulay ng buhok nito. Malapad ang ngiting tumingin ito sa kanya at sabay pang pinapataas ang kilay.
"Oh God! Nathan Neil Arguelo, what the heck have you done to your hair? Nasisiraan ka na ba?" bulalas niya saka mabilis na pinahiran ng lip gloss ang mga labi saka inilagay iyon sa bag niya. Nilapitan ni Jean si Nathan na noo'y parang batang nagtatalon-talon sa kama niya.
"Weeh! Isn't it cool? Mas lalong mapapansin ng lahat ang ka-gwapuhan ko. Nakakatuwa talaga 'tong kama mo Jean!" patuloy pa rin ito sa pagtalun-talon. Minsan tuloy naisip niya kung pabalik ang takbo ng utak ng kaibigan niya. He had always love and enjoy jumping on top of her bed. Parang bata.
He had known Nathan since time immemorial. At mula pa noon ay hindi na bago sa kanya ang kawirduhan nito. Makulit pero sweet si Nathan. Dagdag pang napaka-talented nito. He can sing and play the guitar very well. Baka nga consolation na lang ang pagkagandang lalaki nito. Pero para sa kanya lang iyon dahil halos lahat ng babae ay baliktad ang iniisip sa iniisip niya. Consolation na lang daw para sa mga ito ang pagiging talented ni Nathan.
BINABASA MO ANG
Nathan's Confession: Drunk in Love
Teen FictionJean's world revolved at Nathan simula noong makilala at minahal niya ito. Pero sa tingin niya, para kay Nathan ay parte lang siya ng mundong ginagalawan nito. For everybody, they are an item, inseparable and sweet. Kung sana nga lang ay magkatot...