"Dad, sasabihin ko na lang pero hindi ko pa rin nagawa! 'You' na lang ang kulang nun eh! Pero iba na naman ang nasabi ko! Kaasar!"
Hindi na yata maipinta ang mukha niya sa sobrang pang-gigigil. Asar na asar siya sa sarili dahil inatake na naman siya ng katorpehan niya kanina. Simpleng 'i love you' lang ay hindi pa niya magawang sabihin kay Jean. Ang nangyari tuloy ay inaya niya lang itong maging date sa paparating na event ng school nila na hindi naman nito tinanggihan. Pero matapos rin siya nitong paunlakan ay nagyaya rin itong umuwi kaya hindi na niya nasabi ang dapat talaga ay sasabihin niya.
Magkasalubong lang ang kilay na pinukolan niya ng tingin ang ama na tinatawanan lang siya. Kanina pa ito ganoon magmula ng dumating siya sa bahay nila at naikwento niya rito ang kapalpakan na naman niya.
"Dad, moral support naman diyan! As in moral support, hindi yung pagtatawanan mo pa ako." parang batang sabi niya.
Tumatawa pa rin ito. "Alam mo anak, minsan talaga ganyan tayong mga lalaki. Kahit pa sabihin natin sa sarili natin na matapang tayo at lahat kaya nating gawin, darating talaga ang panahong masasabi rin natin sa ating sarili na hindi talaga lahat ay kaya nating gawin. Minsan naman, kapag nagmamahal na tayo, akala natin tama na ang iparamdam natin iyon sa babaeng gusto natin pero minsan, iyang mga babae eh gusto rin nilang marinig na sabihin talaga natin iyon sa kanila."
"Eh bakit parang ang hirap sabihin?"
"Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Bakit nga ba?" Tumayo ang kanyang ama at tinapik siya sa likod bago siya iniwan nito at pumasok sa bahay.
Napasandal na lang siya sa upuan at matamang pinagmasdan ang kalangitan na puno ng bituin. Sa sinabing iyon ng kanyang ama ay natanong nga niya ang kanyang sarili. Bakit nga ba hindi niya masabi kay Jean na mahal niya ito? Kung tutuusin ay wala ng hahadlang pa sa kanila kung gusto man nila ang isa't-isa. Baka takot siyang ma-reject nito. O baka takot siya sa kung ano mang mangyari kapag hindi naging maayos ang kahihinatnan ng pag-amin niya? Mabuti pang maglasing-lasingan siya ulit para masabi niya rito kung ano talaga ang nararamdaman niya.
Nakaupo lang si Jean sa ibabaw ng kama niya at sinasariwa sa isip niya ang isang masuyong halik na pinagsaluhan nila ni Nathan kanina lang. Nadismaya pa siya nang akala niya ay sasabihin na nitong mahal siya nito pero niyaya lang siya nitong maging date sa Alumni Homecoming at hindi naman niya ito tinanggihan.
She touched her lips and closed her eyes. Pakiramdam niya ay hinahalikan pa rin siya ni Nathan. Sa tinagal-tagal nilang nagsasama ay noon lang nagkaroon ng ganoong klaseng eksena sa pagitan nilang dalawa. Kinapa niya ang kanyang dibdib at naramdam niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya. Hanggang kailan ba siya maghihintay na maramdaman ni Nathan ang totoong naramdaman niya para rito? Saan pa ba siya nagkulang na ipakita rito na mahal niya ito?
Ibinagsak na lang niya ang katawan sa malambot niyang kama at napatitig sa kisame ng kanyang silid. She smiled when something caught her attention. Iyon ay isa sa mga drawing ni Nathan na pinaghirapan niyang ipadikit sa kisame. Gusto niya kasing makita iyon bago siya matulog at pagkagising niya. Sa drawing, there was a man handing a rose to a lady. Kung titignan mabuti ang lalaking nasa larawan ay parang si Nathan iyon pero sideview nga lang. At ang babae na man ay parang siya. She raised her hands as if accepting the rose. Nasa ganoong posisyon siya nang bumungad mula sa pinto ang kanyang ina.
"Zahckie Jean," anang ina niya at umupo sa gilid ng kama. Ibinaba niyang ang kanina'y nakaangat na kamay at binalingan ang ina.
"Yes, mom?"
"You still have the drawing ha. Ilang taon na ba iyan dyan?" Her mom smiled. Napangiti rin siya rito. Noon pa man, alam na ng ina niya ang lihim niyang pagkagusto kay Nathan. Hindi nga siya sigurado kung lihim pang matatawag ang pagkagusto niya rito gayong obvious na nga raw siya. Manhid o bulag lang yata talaga si Nathan.
BINABASA MO ANG
Nathan's Confession: Drunk in Love
Teen FictionJean's world revolved at Nathan simula noong makilala at minahal niya ito. Pero sa tingin niya, para kay Nathan ay parte lang siya ng mundong ginagalawan nito. For everybody, they are an item, inseparable and sweet. Kung sana nga lang ay magkatot...