Chapter 6

83 2 0
                                    

Nagsimula na ang event ngunit tuliro pa rin ang isip ni Nathan.  Kanina lang ay hinalikan na naman niya si Jean.  Parang may boses lang na bumulong sa kanya para gawin iyon habang matamang tinititigan niya ito.  Feeling her soft lips in his parang ayaw niyang pakawalan iyon pero natauhan rin siya agad.  Alam niyang nagulat rin si Jean sa ginawa niyang iyon kaya humingi siya ng paumanhin rito kahit ayaw nya naman sanang mag-sorry.  Hindi niya pinagsisihan ang ginawa.  Iyon na lang yata ang isa sa paraan para maipadama niya ritong mahal niya ito.

He tried to divert his attention.  Nanood na lang siya sa presentation ng bawat batch habang nakikipagkwentuhan rin sa mga kaibigan.  Sinabihan rin siya ni Jean na huwag hayaang ma-out-of-place ang date ni Detalie na si Rave.  Madali namang pakisamahan ang lalaki kaya parang matagal na rin nilang kaibigan ito kung makisabay sa usapan nilang mga lalaki.  At habang abala sila sa pag-iinuman at pagki-kwentuhan, sumisimple rin siya sa pagnakaw ng tingin kay Jean na abala rin sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan.

"Nathan, can I ask you little favor?" biglang bulong sa kanya ni Rave.

"Ano 'yon?"

"May flower shop pa bang bukas dito ngayon?  Pwedenng samahan mo ako sumaglit doon?"

Napangiti na lang siya nang makuha ang ibig sabihin ng lalaki.  Nang mapansin nitong lumayo si Detalie ay saka sila umalis.  Malapit lang naman ang flower shop sa venue ng event kaya nilakad nalang nila ang papunta roon.

"You like your friend Jean, don't you?" tanong ni Rave nang naglalakad na sila.  Binalingan niya naman ito.  Parang babae na tuloy kung mag-uusap sila ng ganun.  Natawa siya.

"Obvious ba ako?

"Obvious kayo."

"What do you mean?"

"Alamin mo." tipig na sagot nito.  Ilang sandali pa ay narating na nila ang flower shop.  Pagkatapos nitong bumili ay naglakad rin sila pabalik.  Pero isang jewelry shop naman ang namataan niya kaya isang singsing with a blue topaz stone.  Birth stone iyon ni Jean.  Bibilhin niya sana iyon nang mapansin naman niya ang may emerald stone.  So instead of buying the one with blue topaz ay iyong nay emerald stone ang binili niya.  He knew Jean had always loved green.

"Tonight I'm gonna tell her I love her.  And I'm gonna ask her to be my girl." Dinig niyang sabi ni Rave na hawak-hawak ang bulaklak.  He wished he had the same courage.

Nang iwan siya ng kaibigang si Detalie ay napansin rin niyang umalis si Nathan kasama si Rave.  Hindi na lang niya inintindi iyon.  Ngunit nang bumalik ang dalawa at napansin niyang may dala-dalang bulaklak si Rave ay napangiti siya.  She felt excited for her friend.  Iniwan nito ang bulaklak sa kanila ni Nathan para hanapin si Detalie.

"Anong plano ng lalaking iyon?" tanong niya kay Nathan nang maka-alis si Rave.

"Magtatapat na raw.  Abangan na lang natin." parang batang excited na tugon nito.

Iyon nga ang sunod nilang ginawa.  Inabangan nila ang kung anumang plano ni Rave sa kaibigan nila.  She noticed them walked towards the center of the gym nang bigla nitong iwan si Detalie para magpunta sa sounds booth.  Hawak niya ang bulaklak na para rito.  The music stopped and all the people returned to their sits except for Detalie na halatang naguguluhan sa nangyayari.

Nathan's Confession: Drunk in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon