Chapter 3

108 3 1
                                    

"Alam mo Jean, ikaw at si Nathan talaga ang cutest couple para sa'kin.  Ikaw lang sa mga girls noon ang may taga-hatid at sundo talaga noon kapag may lakad ang batch.  Nathan is always there for you and you for him.  Alam mo iyon?  Kahit hindi na kayo mag-I love you-han pa eh parang obvious na na mahal niyo ang isa't isa?" mahabang wika ni Jasmine.

"Cut the thought girl.  We're not even a couple!" inisang lagok nya ang isang shot ng red wine.

Nagkibit-balikat lang ang mga kaibigan niya.  How she wish naman kasi na sila nga ni Nathan pero hindi eh.  Marami pa naman ang nagsasabing bagay sila ng binata.  Tumayo siya para kumuha nng pagkain sa kabilang table.  Mabuti pa sigurong pagkain na lang muna ang pagtuonan niya ng pansin.

Past eleven na ng gabi pero nasa bahay pa rin sila ni Yram.  Hindi naman iyon kalayuan sa kanila at nakapagtext na siya sa mga magulang na late siyang uuwi.  Abala pa rin silang mga girls sa pagchi-chismisan at konting inuman.  While the boys are having a great time with the videoke.  Obvious na may tama na ang mga iyon.

"Girls, check ko lang yung mga boys natin.  Baka ano ng nangyari sa mga yun.  Tumahimik bigla eh." paalam niya saka tumayo at naglakaaad patungo sa sala kung saan ang mga lalaki.

"Go ahead and check your Nathan!" pahabol na sambit ni Navi.  Nakangisi pa ito at inirapan na lang niya.

"Girls!!! you should see this!" tatawa-tawang tawag niya sa mga kasamang babae.  Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa naabutan niyang hitsura ng mga kaibigan nilang lalaki.  Daig pa ng mga ito ang mga biktima ng baha kung makadalumpahasay sa sahig.  Ones leg is on the others neck.  Meron namang ang ulo ng isa ay na dibdib ng isa.

"Just loook at those boys, parang mga taong grasang nabihisan lang." si Navi. 

Bago nila inayos ang pagkakahiga ng mga kaibigang lalaki ay kinunan muna nila ito ng litrato para maipakita iyon sa mga ito kinabukasan.

"So okay na ba 'tong ayos nila ngayon nang tayo naman ang makatulog.  Ang bibigat ng mga lalaiking ito!" sabi ni Angel.  Nakangiting pinagmasdan nila ang mga lalaking nasa sahig.  Nilagyan na nila iyon ng comforter para hindi malamigan ang mga likod nito.

Bumalik naman silang mga babae sa dining para magligpit ng mga pinagkainan nila.  Abala sila sa ginagawa ng tumawag ang daddy ni Nathan sa kanya at pinapauwi na kamo ang anak.  Alam marahil ni Mr. Arguelo na napainom na naman ang binata nila.  Hindi naman ito nagagalit kapag ganoong alam nitong sila lang ang kasama ni Nathan.

"Kayo na lang ang bahala rito girls, gigisingin ko na si Nathan para makauwi na kami." pahayag niya at pinuntahan na si Nathan.

Kanina ay si Nathan lang ang tanging nakapwesto sa sofa kaya hinayaan na nila ito roon.  Now she's looking at his face intently.  Tulog pa rin ito.  She tried to touch his face.  Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa noo nito.  Naramdaman na lang niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya ng umungol ito at tinawag ang pangalan niya. 

"I'm here Nathan," halos pabulong na wika niya saka ginagap ang kamay nito.

Nathan's Confession: Drunk in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon