Chapter 4

94 3 0
                                    

Nakatulugan na ni Jean ang pag-iisip sa mga nangyari nang nakaraan gabi.  Ang kung ano man iyong gusto sanang sabihin sa kanya ni Nathan.  Pagkagising ay bumangon na agad siya.  Mas maaga pa siyang nagising kesa pagtunog ng alarm clock niya at ag pagsulpot ng dalawang kapatid.  Nagsusuklay na siya ng buhok nang pumasok ang mga ito.

"Ateeee!!! Gi-" sabay na sigaw ng dalawa.  Nagulat pa ang mga ito nang makita siyang naka-uniporme na.  Nginitian na lang niya ang kanyang cute na mga kapatid.

"Bakit ang aga niya?" nagtatanong ni Yozack kay Izaack.  Kung mag-usap ang dalawa ay tila wala siya sa paligid.

"Hindi ko alam.  Baka hindi iyan ang ate natin. Hoy!  Impostor o kung sinong kutong-lupa ka man, ibalik mo sa amin ang ate namin!" matapang na wika ni Izaack na tinuturo-turo pa sya.  Pinipigilan na lang niyang matawa sa ginagawi ng mga ito.

"Over naman kayo makapag-react!  Bawal ba akong magising ng maaga?" aniya.

"Moommyyyy!!!!  May monsteer!!!"

Sabay na sumigaw ang dalawa at sabay ring nagtatakbo palayo.  Monster?  Sa ganda niyang iyon pinagkamalan siyang monster? Napatingin na lang siya sa salamin at siya namang pagtili niya.  Eeeekkk!  Natakot daw ba siya sa sariling mukha.  Nakalimutan niyang nagpolbo pala siya kanina at nakalimutan niyang ipahid ng maayos iyon dahil nagsuklay muna siya.  Nadala pa tuloy siya sa kalokohan ng dalawang iyon.  Nag-ayos na siya ng tuluyan ng kanyang sarili para matapos na rin ang kanyang morning pagpapaganda.

Naabutan niya ang kanyang mga magulang at kambal na nasa hapag-kainan na.  Humalik siya sa ina at ganoon na rin sa ama at kinurot niya naman sa pisngi ang dalawang kapatid bago umupo sa pwesto niya.

"So how's Yram's party?" tanong ng ina niya.

"As usual, lasing at knockdown na naman ang mga boys at kami ulit ang taga-ligpit."

Malapit na rin kasi ang mga kaibigan niya sa kanyang mga magulang.  Noong high school sila ay madalas rin silang tumambay sa bahay nila.  Nang magkolehiyo ay hindi na nga lang masyado dahil sa magkaiba na ng mga schedules.

"Who's gonna be your date ngayong homecoming ng SJA?" sunod na tanong ng ina niyang si Jackie.

"Nag-yaya na ba si Nathan na ikaw ulit ang idi-date niya?" nakangising dugtong na tanong naman ng kanyang ama.

She rolled her eyes at sumubo ng pagkain.  She tried to ignore her parents question pero tinanong lang siya ulit ng mga ito.

"Wala pa akong date at Nathan hadn't asked me yet.  Mom, dad naman eh!  Kakaasar kayo,"she murmured the last words.  Nagtawanan lang ang magulang niya habang ang kambal ay kumakain lang na tila ito lang ang tao sa mundo.  Her brothers are really weird.  

Patapos na silang kumain ng tumunog ang doorbell.  Naging alerto naman ang kambal sa pagbukas ng pinto.  As she was expecting, si Nathan nga ang dumating.  Wala naman kasing ibang pumupunta sa kanila ng ganoon kaaga kundi ito lang.

"Good morning Tita beautiful, tito pogi and the twins!" masiglang bati ni Nathan sa pamilya niya.  Gaya rin lang ng madalas nitong ginagawa ay sadyang kinakalimutan siya nitong batiin.

"Alis na ba tayo?" she asked him. 

"Kung tapos ka ng lumamon dyan at ready ka na eh di go na tayo," nakangiting sagot nito.

"Okay wait."

Tumayo na siya at nagpaalam sa mga magulang.  Naglalakad na sila palabas ng gate nang matanaw niya ang motor nito na nasa labas.  May isang bouquet ng white roses na nakapatong roon.  Favorite flower pa man din niya ang rose.  White rose to be exact.  Napaisip tuloy siya kung kanino nito ibibigay iyon.  She's hoping sa sana this time para sa kanya na iyon. 

Nathan's Confession: Drunk in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon