"Thanks Nathan," dinig niyang sabi ni Hael. Ibinalik na lang niya ang atensyon kay Jade at Jack na tila busy na rin sa pag-aasaran. Natanong niya tuloy sa sarili niya kung ano ang feeling ng may boyfriend. NBSB o No Boyfriend since birth kasi ang drama niya. Sino ba naman kasi ang magkakaboyfriend kung laging may lalaking nakabuntot sa'yo? Yung tipong naninindak kung may ibang lalaking lalapit. Nathan in her side always drives away those boys na may gusto sa kanya.
Zahckie Jean is simply beautiful. Kahit hindi man siya mag-ayos ay maganda na siya ayon sa karamihan. Assete daw niya ang kanyang mga mata na salamin daw ng kung anong nararamdaman niya. She has those expressive round eyes. Marami rin namang mga binata na nagpaparamdam sa kanya pero bago pa man makalapit ang mga iyon sa kanya ay napagsabihan na iyon ni Nathan. No wonder boys who are interested at her are staying away.
"Sila na ba ni Hael?" pabulong na tanong sa kanya ni Jade nang lumabas ng classroom si Nathan kasama si Hael. Nagpaalam naman sa kanya si Nathan na nagpapasama daw si Hael na pumunta sa office ng dad nito. Hael's dad is the Dean of the Engineering Department.
Mula pa man noong high school sila ay gustong-gusto na ni Nathan si Hael pero nagtataka siya kung bakit hindi pa rin niya nababalitaan na mag-on na ang dalawa. Kahit naman kasi magtanong siya kay Nathan ay laging 'hindi' ang sagot nito.
"Hindi raw eh. Pero ewan ko lang ngayon."
"Uyy... nagseselos si Zahckie..."
"Shut up Jack! There's nothing to be jealous of." masama ang tingin na ipinukol niya kay Jack.
"Wala daw eh parang dragon ka kung makatingin sa kanila nung lumabas sila eh," sagot naman nito.
"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin Jack. But I'm not jealous." walang emosyong sabi niya.
"Yeah Zahckie! You're not jealous, You can't be jealous! You've never been jealous! Ngayon lang!"
"Galing talaga nitong kulugo kong bestfriend! Wooh! Nice Jack!" ani Jade at pumalakpak pa. Hindi na niya alam ang sasabihin dahil natawa na lang sa panggagayang iyon ni Jack. Ginaya kasi nito ang linya ni John Lloyd sa movie nitong You Changed My Life.
"Thanks bestfriend! I know you're my number one fan!"
"Alam niyo? Bagay kayo!!!" tukso niya sa dalawa na tiningnan naman siya ng masama.
"Weeeh!" sabay pang sambit nito.
Nauwi na lang sila sa tawanan. Masaya talagang kasama ang dalawang iyon para sa kanya. Saka sumagi ulit sa isip niya si Nathan. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi dumating ang teacher nila kaya at natext niya iyon kay Nathan kaya hindi pa ito bumabalik. Maybe he's enjoyning Hael's company now.
"Jean, mauna na kami sa'yo ha. May klase pa kami eh." paalam ni Jade.
"Sige, ingat kayo! Regards kay Fafa Daniel." she grinned. Daniel is one of the school's heartthrob. Bukod sa pagiging gwapo ay matalino pa ito.
"Mga babae talaga! Di na makontento sa mga nasa malapit lang! Sige Zahckie alis na kami." paalam naman ni Jack.
Mga malalapit na friends niya lang ang tumatawag sa kanya ng Jean. Pero ang iba naman na gaya ni Jack na tinatawag siyang Zahckie ay para daw astig. Hinayaan na lang niya ito sa kung ano mang trip nito.
"Jean, kanina ka pa?" umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tapat niya.
"Hindi naman masyado. Asan na si Hael?"
"Naroon sa office ng Dad niya. Andun rin kasi yung mom niya." hayag nito.
Hael's parents have known Nathan noong nasa high school pa man sila. Maging siya ay kilala rin ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Nathan's Confession: Drunk in Love
Teen FictionJean's world revolved at Nathan simula noong makilala at minahal niya ito. Pero sa tingin niya, para kay Nathan ay parte lang siya ng mundong ginagalawan nito. For everybody, they are an item, inseparable and sweet. Kung sana nga lang ay magkatot...