FINALE

136 3 4
                                    

"I can't believe this Bry.  Paanong hindi ko napansin ang mga ito noon?" She took another drawing and checked it.  Meron talagang 'i love you jean' ang bawat kung titingnang mabuti.  Iyong iba naman ay binurang 'i love you jean' ang naroon.

 "Magaling siyang mag-drawing kung ganoon Jean.  Dahil kung titingnan mo lang talaga ang mga ito ay hindi mo iyon mapapansin.  Not unless you look at every detail of it.  Kahit yung mga binurahan eh hindi mo mapapansin dahil maayos niyang naitago.  He's been telling you that he loves you all those years Jean." paliwanag ni Bryden at inilapag na ulit ang mga papel.

 She took her wallet at may kinuhang isang piraso ng papel doon.  Iyon ang drawing na ibinigay ni Nathan sa kanya noong graduation nila.  Kahit doon ay meron ring nakasulat na mahal siya nito.

 Nilapitan siya ni Bryden at niyakap siya nito.  Hinayaan na rin lang niya ang kanyang sarili na umiyak ng umiyak.  Kahit kailan ay wala ng pag-asang matupad ang hiling niya.  Kahit kailan ay hindi na niya maririnig pa mula kay Nathan ang tatlong salitang iyon.  Bakit naman kasi hinintay pa niyang sabihin iyon ni Nathan gayong sa mga gawa nito ay obvious na ipinapakitang mahal siya nito.

 Pero paano iyong sandali na nag-alay ito ng kanta at bulaklak kay Hael?  At ang pagbibigay sana nito ng singsing sa babae?  Naguguluhan na naman siya.

"Nagkita kami ng mommy mo Zack pero may iba na siya.  Iniwan na niya tayo."  Kinakausap ni Nathan ang natutulog na anak.  Napagaan ng maamong mukha nito ang kanyang mabigat na pakiramdam kanina. Himbing na himbing sa pagtulog ang bata.

He touched the pendant of the necklace na bigay ni Jean sa kanya noon. Tinanggal na rin lang niya ang kwintas at matamang tinitigan iyon.  He can still feel the pain in his chest dahil sa nakita niya kanina.

"Paano mo nagawang paghintayin ako sa wala Jean.  All these years ikaw lang ang minahal ko pero bakit nagmahal ka ng iba?  Akala ko pa man din na ako ang lalaking hiniling mo noon.  Ang tanga ko pala at nag-assume agad ako nang makita ko itong nakasulat sa likod ng pendant na ito."

Kinuyom niya sa kanyang palad ang kwintas.  Naglakad siya patungo sa bukas na bintana ng kanyang silid.

"Goodbye Jean.  I don't want you near my heart again.  Nasasaktan lang ako.  Siguro nga we are born to be just friends forever."  Without any other words, ibinato niya sa malayo ang kwintas.  Pero ilang sandali ay bigla siyang natauhan. Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay para hanapin ang kwintas.

"Ang tanga mo talaga!!!  Nagpadala ka sa ka-dramahan mo!" asar sa sariling sambit niya.  Parang tanga tuloy siyang naghahanap sa labas at sa huli ay bigo pa siya.

 "Come'on Jean!  It's a very beautiful morning!  Masarap mag-jogging! Bilisan mo na dyan!" pangungulit ni Bryden kay Jean.

 "Maghintay ka nga dyan!  Hindi naman mawawala itong San Jose dahil ito nagjojogging sa umaga no!" singhal niya rito.  Inayos na niya ang pagkakatali ng sintas niya at saka lumapit kay Bryden.

 They jog around San jose nang tumigil siya sa harap ng isang restaurant. Ang ZJ's.  She took a deep breath habang hindi man lang inaalis ang tingin sa naturang establishment.  Sarado pa iyon dahil alas-singko pa lang nng umaga.  Mag-jo-jog na sana siya ulit nang makita niyang nakaupo na sa isang tabi ni Bryden.

 "Pwede naman sigurong magpahinga muna dito sa tapat ng restaurant ng mahal mo no?" he grinned.

 Nilapitan niya ito at tumabi siya rito.  "Pwede nga yata," sagot naman niya at napangiti.

 "Di ko aka-- teka," Naputol ang sasabihin nito dahil tumayo ito at may pinulot na kung ano.  Nagtaka ang mukhang bumalik ito sa pagkakaupo at may inabot sa kanya.

Nathan's Confession: Drunk in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon