Crush

3.1K 57 2
                                    

2

Ilang oras na akong nakaupo sa kama habang nakikipagtitigan sa mga problems na nakasulat sa notebook ko sa Geometry, taaaadaaaaaaa! Wala pa rin akong nasasagot kahit isa. Ilang beses ko na ring binasa 'yung libro kung paano ma-so-solve 'yung problem. Nasulat ko na ang formula't lahat-lahat, hindi ko pa rin alam ang gagawin. Nang ma-realize kong walang mangyayari sa'kin kung makikipagtitigan lang ako sa notebook ko, sinarado ko na lang ito at tinabi saka ako nahiga sa kama. Mas masarap pa ang pagtulog kaysa sa nakakabaliw na subject na 'to!

Pinikit ko ang mga mata ko at nabigla ako nang makita ko si Xhien Han. Hala! Bakit ko ba siya naiisip? Kasi naman... parang nakita ko na siya noon. Mukha siyang pamilyar. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung paano ko siya nakilala. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyong biglang pumasok sa isip ko,

"'Wag mong sabihin sa'kin, Momo, na crush mo na ang lalaking 'yon!" Napaupo ako ulit sa naibulong ko sa sarili ko at napagtanto kong ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka naman, kailangan ko lang uminom ng tubig? Makapunta nga sa kusina. Magpapatulong na lang din ako kay Kuya kung paano gawin ang assignment ko at nang hindi ako nakakaisip ng kalokohan. Papunta pa lang ako sa direksyon ng pintuan upang buksan ito nang mapa-talon ako sa ingay na nabasag na kung ano sa labas. Bigla akong nakaramdam ng takot, at pagkabahala. Nagdalawang-isip akong lumabas ng kwarto at bumaba.

"Meg? I can't believe you! Paano niyong nagawa sa'min ni tita ito, huh?! Wala akong pinakitang masama sa'yo!" Napapitlag ako sa malakas na sigaw sa labas, si Kuya ba iyon? Hala, nagaaway na naman ba sila ni Ate Meg? Lumabas ako ng kwarto para sana umawat, kaya lang bago ko pa makita kung ano ang nangyayari ay lumapit si Manang Delen sa'kin at hinatak ako pabalik sa kwarto ko. Nagpumiglas pa ako dahil nagaalala ako kay ate Meg, baka napagbuhatan siya ni kuya ng kamay. Kahit na alam kong hindi kayang gawin ni kuya 'yun kay ate Meg dahil sobra niya siyang mahal, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag-alala.

"Mamaya ka na lumabas, 'nak. I-lock mo ang pinto at magkunwaring walang naririnig. Utos ito ng Kuya Andrew mo, huh?" Naguguluhan man ay tumango na lang ako. Gusto kong pumunta sa baba para malaman kung anong nangyari, pero mukhang ayaw ipasabi sa'kin ni kuya. Ang kailangan ko na lamang gawin ay respetuhin ang desisyon niya.

**

Pagkagising ko ay agad kong pinuntahan si Kuya sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok, kaya naman kahit na nakatalikod si kuya sa akin ay nakita ko pa rin na... umiiyak siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Kuya," tawag ko. Agad na humarap sa'kin ang pogi kong kuya. Naka-ngiti siya sa'kin pagkatapos ay tinapik ang kama katabi niya upang doon ako paupuin. Tinitigan ko muna siya bago ako magsalita. Akala niya ba, mapagtataguan niya ako? Ayos ka, kuya ah. Masakit na makitang ganito si kuya, mabigat sa pakiramdam. Tinitigan ko siya.

"Kuya, sabihin mo nga sa'kin. Anong nangyari?" Umiwas siya ng tingin. Hay, naku. Eh paano ba naman kami hindi magkakasundo palagi niyan, ayaw magsabi. Buti nga't, hindi nagsusungit ngayon eh.

"Nothing, Momo. Don't mind me." 'Sus, 'wag niya akong dino-'don't mind me' ah, baka mabatukan ko siya riyan! Sinamaan ko siya ng tingin, saka ako umiling-iling.

"Kuya..." pagbabanta na may halong pagmamakaawa kong tawag kay kuya. Umiling lang ulit siya. Bumuntong-hininga ako, kung ano man ang problema ni kuya. Maaaring sobrang laki nito kaya hindi niya masabi-sabi sa'kin. Ayos lang naman iyon.

Nagpatulong ako kay kuya, napaka-pasensiyoso ng kuya ko, alam niyo ba? Isa siya sa mga ideal man ko. Mahal na mahal ko ang kuya ko, ang kaso lang. Masyado siyang ma-sikreto kaya hindi kami close na close, at pakiramdam ko wala akong nagagawa upang makatulong sa kanya. Samantalang siya, ang dami na niyang nagawa para sa akin bilang kapatid. Haaay, naku.

**

Monday morning, hindi ako nahirapang gumising. Paano naman hindi mahihirapan, ang aga akong pinatulog ni kuya, maaga rin daw kaming dapat na pumasok na dalawa. Pagtapak pa lang ni kuya papasok ng gate, ang dami ng nagpakalat-kalat sa mga pasilyo ng school. Parang, inaabangan talaga nila ang pagdating namin... err, si kuya lang pala. Simula kahapon, naging mas tahimik si kuya. Hindi ko nga siya makausap ng maayos. Naging malamig ang pakikitungo niya sa'min ni tito. Palagi ring matalim ang tingin niya sa gawi ni tito na siya namang pinagtakhan ko. Kasi naman, close sila niyang si tito dahil parehas sila ng mga hilig. Nagkakasundo sila sa mga books, novels, pero ngayon... para bang naging malayo sila sa isa't isa.

Dahil sa pagiisip ng malalim at minsang pagkawala ko sa aking sarili, na palagi na lang nakakapagpahamak sa'kin, nabangga ako sa likod ni kuya dahil bigla siyang huminto. Nagulat ako, anong...? Si... si Maxene? Bakit niya, hinahalikan ang kuya ko?

Bigla silang dinumog ng mga tao. Napabuntong-hininga ako. May problema pa sila ni Ate Meg, may lumalandi na agad kay kuya. Hirap na hirap akong makalabas mula sa mga nagsisiksikang mga tao, napa-patabi po, parang awa niyo na, na ako ng ilang beses. Gan'un pa rin ang sitwasyon ko, my gash.

"Hala, hoy, huwag naman po kayong manulak!" paki-sabi nga sa'kin kung bakit nararanasan ko ang ganito? Ano bang kasalanan ko sa mundo? At paki-sabi nga sa'kin kung bakit napaka-pogi, talented, talino, at bait ng kuya ko? Hay, naku naman. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng mga pogi sa eskwelahang ito. Jusme, para silang papatay para kay kuya.

"Tumabi ka nga diyan," at tulad ng inaasahan ko sa mga wild animals na nasa paligid ko, may tumulak sa'kin. Nasubsob tuloy ako, ang... ang sakit ng puwet ko. Naman, eh! Bago pa man ako sumubok na tumayo ay may naglahad na ng kamay sa akin. Maputi ito, nahiya naman ako sa balat ko. Tumingala ako at nagulat ako nang makitang si Xhien Han 'yun. Inabot ko ang kamay niya, ang... ang lambot naman.

Napayuko ako, ang bilis ng tibok ni heart. Naman, eh. "S...salam-" bago pa man ako makapagpasalamat sa kanya ay umalis na sila ng mga kaibigan niya. Tatlo na mga gwapo at tinitiliang mga kaibigan niya. Ang cool nila lahat tignan. Pero ang pinaka-nag-umapaw ang ka-gwapuhan ay ang bagong estudyanteng si.... Xhien Han. Crush ko na nga yata ang blonde-ing 'yun.

**

SLOW UPDATE! Sorry po! Dedicated po ang chapter na ito kay, taaaaaadaaaaaaaaa! YourSweetestDarnFall.

My Immortal Crush: Curse of the White Wolf {FINISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon