Xhien Han

5.1K 84 3
                                    

1

Nasa parke ako kasama ng mga kaibigan ko, napagdesisyunan naming magsama-sama dahil wala kaming magawa sa bahay. Naglakad-lakad kami hanggang sa mahagip ng mata ko ang apat na lalaki na nakaupo sa mga upuang mukhang dala-dala nila papunta dito.

Lahat sila ay nakatalikod, kaya naman hindi ko nakita ang mga itsura nila. 'Yung... 'yung tinutugtog nila, pamilyar. Kaya naman kahit na nakalagpas na kami ng mga kaibigan ko sa gawi nila ay sa kanila pa rin ang tingin ko.

Napahinto ako nang biglang humarap ang isang lalaking naka-itim na pang-itaas. Nagulat ako nang mapagmasdan ang mukha niya... siya iyon! Siya ang lalaking matagal ko ng hinahanap.

Sinubukan ko siyang lapitan... marami akong gustong itanong. Pero, nawala na lang siya na parang bula. Silang lahat, ako na lang ang natira.

Humahangos akong napaupo sa aking higaan. Isang... panaginip? Sino ba ang taong iyon, iyan tuloy at pati sa panaginip ko, nand'un siya!

Tumingin ako sa orasan. Nanlaki ang mata ko dahil... Tae, late na ako! Pagdating ko sa classroom namin ay nag-ka-kagulo ang mga kaklase ko, sobrang ingay nila.

Parang... araw-araw naman yata silang ganyan. Walang nagbabago at palagi na lang silang parang mga bubuyog sa ingay. Hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay umupo na lamang ako sa aking sariling upuan.

Binuksan ko ang hiniram kong libro sa library kahapon at binasa ito. Ngunit bago ako taimtim na nakapagbasa ay sumulyap-sulyap muna ako sa paligid, para kasing may tumitingin sa bawat galaw ko.

"The Cursed of the Black Wolves," ito ang pamagat ng librong napili kong basahin. Gustong-gusto ko talaga ang thriller, mystery, at adventure na genre ng isang libro. Romance? Nah, hindi masyado.

"When the skies and the grounds were one of legends, through their divine/twelve forces, nurtured the tree of life. An eye of red force created the evil which covered the heart of the tree of life and the heart slowly grew dry. To attempt to keep alive the heart of the tree of life the legends hereby divided the tree in half and hid each side, hence times is overturned and space turns obscure.

The divine/twelve forces divided into two and created two suns that look alike into two worlds that seem alike. The legends traveled apart. The legends shall now see the same sky but must stand on different grounds. They shall stand on the same ground but shall see different skies.

The day the grounds be kept a single file before one sky in two words that seem alike, the legends will meet greet each other. The day the red forces purify and the twelve forces will reunite into one perfect root... a new world shall open up."

Pinagpatuloy ko ang pag-ba-basa... medyo napalakas kaya tumigil ako at binasa na lamang ito gamit ang aking mga mata.

Habang binabasa ko ito ay hindi pa rin ako mapakali dahil parang may nagmamasid sa'kin... gustuhin ko mang lumingon ay natatakot ako sa kadahilanang hindi ko alam.

Tumunog na ang bell, hudyat upang pumasok na si Miss Cortez, ang Science teacher namin. Itinago ko ang libro na aking binabasa at umupo ng maaayos.

Biglang nagtilian ang mga kaklase ko. Napalingon ako kung saang direksyon sila lahat nakatingin, doon ko lang napansin ang isang lalaki na kasunod pala ni Ma'am na dumating, blonde ang kanyang buhok, may singkit na mga mata, at... tinalo niya pa ako sa sobra niyang puti.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat nang bigla na lamang siyang tumingin sa'kin. Naka-iwas lang ako nang tingin nang may nambato sa'kin ng crumpled paper. Si Daisuke talaga, napaka-kulit.

Muli akong kinabahan dahil pakiramdam ko'y mas tumalim ang mga matang nakatingin sa akin mula pa kanina.

Ngunit nang naglakas-loob ako na tumingin sa gawi kung saan nanggaling 'yun, wala naman akong nakitang sumusulyap o nag-iwas ng tingin sa akin. Guni-guni ko lang siguro iyon.

'Yung weird at bago naming kaklase, Xhien Han daw ang pangalan. Bukod sa pangalan niya, wala na siyang sinabing impormasyon tungkol sa kanya.

Nahiya tuloy ako nang maalala kung paano ako nagpakilala. Masayahin at puno ng sigla. Hahaha! Halos sabihin ko na lahat sa harap noon, nakakatuwa!

**

Medyo mabagal ang pagusad ng story, pasensya. Tinatapos ko pa kasi 'yung isa. Sana subaybayan ni’yo po ito, salamat! Vomment po mga immortals! Naks, gumaganon? Haha.

My Immortal Crush: Curse of the White Wolf {FINISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon