4
Nagmamadali kong binagtas ang corridor dahil five minutes na lang, late na ako nang mabangga ako ng isang poging lalaki. Jusme, na naman? Ako lang ba ang normal ang itsura sa eskwelahang ito? Nakakainggit, ah. Mas maganda pa ang lalaking ito sa'kin, eh.
"Sorry, I didn't mean it," Oops, paduduguin pa yata nito ang ilong ko.
Tumango-tango ako bago sumagot, "It's fine, it doesn't hurt much." sagot ko at agad naman niyang ipinakita ang pang-commercial niyang ngipin.
"Good to know," oks na pala, eh. Tumalikod na ako sa kaniya. Kaya lang, nang-istorbo na naman ang poging lalaki na 'yun. Nakaka-stress, ah.
"Ano kailangan mo?" masungit na tanong ko sa kanya. Late na ako, good. Ang galing-galing naman talaga! Momo, 'wag mo ngang idamay 'yung tao sa init ng ulo mo. Haaay, naman.
"You forgot this," sabay pakita ng maliit na notebook. Hala, diary ko 'yun ah. Ays, Momo, hindi ka kasi nagiingat eh.
Napakamot ako ng ulo bago kunin 'yung notebook... kaso bigla niyang inilayo. Anong problema ng lalaking ito? Pinagtitripan ba ako nito?
"I'll give this, not until you say your name, miss." nakangiti niyang sabi sa'kin. Bangasan ko mukha niya, eh. Sige lang at ipagpatuloy niya iyan, babangasan ko talaga mukha niya. Ngumiti ako sa kanya, 'yung ngiting pa-sweet. Wala, no choice ako eh.
Tinadyakan ko siya sa tuhod sabay hablot ng diary ko. Agad akong tumakbo papuntang classroom.
Kaya naman, humahangos akong dumating sa classroom. Malaking take note, nandyan na si Miss Hernandez, at kasalukuyang nakatingin sa akin ng masama. Sabi ko nga, hindi na ako papasok eh. Haaaay, naman.
Pumunta na lang ako sa canteen, kakain na lang ako nang kakain hanggang sa sumabog ang tiyan ko. Pumunta ako sa counter para um-order ng pagkain. Kumuha ako ng cheese burger, chocolate shake, at chocolate cupcake. Hindi naman ako gutom, konti lang! Kakagat na sana ako sa burger ko nang biglang tumabi sa akin si Toshiro, isang gwapong weird na lalaki na ngayon ko lang makakausap sa tanang buhay ko. Paano ko siya nakilala? Sikat naman kasi sa campus ang ka-weirduhan ng lalaking iyan. Nasobrahan yata sa pagbabasa kaya ganyan. Haaay, ang dami talagang istorbo sa buhay ko. Kailan kaya mawawala sa landas ko ang mga sagabal?
Tumitig lang ako sa kanya, 'yung burger nasa tapat pa rin ng bibig ko, habang naka-nganga ako. Ang galing diba, nagmumukha akong tanga pero gutom na talaga ako, eh. "Daijobou (It's alright), alam ko namang pinag-pa-pantasyahan mo ako."
Tumatango-tango niyang sabi sa akin, muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. At ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito? Napailing na lang ako, may sapak nga sa ulo ang isang 'to.
"I came here to warn you, malapit na nilang makuha ang gusto nila. It won't be too long before they discover who you really are." Huwaaat? Ano raw? Napakamot ako ng ulo ko habang tuloy pa rin sa pagkain. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Kailangan ko na bang tumawag sa mental hospital?
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Sino ba namang hindi maguguluhan sa sinabi niya. Ako si Momo, anak ako nila Mommy at Daddy, kapatid ako ni Kuya Andrew. Ano pa bang kailangang ma-diskubre ng mga tao sa akin eh halos idaldal ko na sa buong mundo ang talambuhay ko. Wala naman akong masyadong sikreto (konti lang) dahil hindi naman ako mahilig doon. At isa pa, sa araw-araw na nilagi ko sa mundong ibabaw, wala naman akong na-e-experience na kakaiba. Kaya anong ibig sabihin ng kumag na ito? Pinagtitripan niya ba ako?
"Naniniwala ka ba sa, 'Curse of the White Wolf'?" Kumunot ang noo ko bago ma-realize na 'yun 'yung title ng librong kakabasa ko pa lang last week, at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos dahil marami akong pinagkakaabalahan. Bakit naman ako maniniwala roon eh, isa lamang 'yung kwento. Kumbaga, fantasy lang siya. There's no way na magkakaroon ng wolf in real life, 'no!
"Nope," I want to shoo him away para makakain ako ng maayos, kaso nakakahiya. Kaya, kahit wala sa kanya ang kalahati ng atensyon ko ay pinabayaan ko na lang siyang magsalita.
"Ang sumpa ng puting lobo ay simbulo ng kamatayan ng nilipatan ng sumpang ito. At ikaw iyon, Momo. Ikaw ang pinag-lipatan ng sumpang iyon.
Noong six years old ka ay nagkaroon ng aksidente. Naligtas at nabuhay kayo ng iyong ama. Pero namatay ang iyong ina. Ayon sa aking Lola, kapag namatay ang prinsesa ng mga lobo ay lilipat ang sumpa nito sa kaisa-isang babae nitong anak. At ikaw iyon, ang napili ng sumpang iyon."
Tumango-tango ako sa kanya. Obvious naman na gawa-gawa niya lang ang mga sinasabi niya sa'kin. Paano naman niya nalaman na patay na si Mommy eh nasa Japan nga silang dalawa ni Daddy. Niloloko talaga ako ng Toshiro na ito, eh.
Hinigop ko ang paubos nang shake ko, habang patawa-tawa akong nagtanong sa kanya ng: "Nagpapatawa ka ba?"
"Momo, seryoso ako sa mga sinasabi ko. Makikita mo rin. Lumabas na ang tunay mong pagkatao. Sa tuwing magagalit ka o kaya nag-se-selos, la-labas ang isang buntot sa likuran mo. Magkakaroon ka ng mga pangil at mag-i-iba ng kulay ang iyong mga mata, na naaayon sa iyong ekspresyon. Maniwala ka, nakita ka na nila." Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Tunay na pagkatao? Baliw ba ang lalaking ito? May sapak yata ito sa ulo, eh.
"Ano bang problema mo, Toshiro? Pwede bang iwanan mo akong mag-isa at sabihin mo ang mga ka-ek-ekan mo sa ibang taong gustong makinig!" Padabog kong sabi sa kanya, nakaka-offend kasi siya. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko, paanong hindi sila tunay? Parang pinapalabas niya na ampon ako, na siya ang kailangan kong paniwalaan. Ni hindi ko nga siya masyadong kilala. Pagkatapos, gusto niyang paniwalaan ko siya?
"Kailangan mo silang patahimikin kundi, lahat ng mahal mo sa buhay, mamatay."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang dapat na isagot. Umalis na siya habang naka-lagay pa ang magkabilang kamay sa mga bulsa ng pants niya. Anong tingin niya sa sarili niya, cool? Pwes, hindi! Ginulo niya ang isipan ko. Imbis na wala akong iisipin, kung anu-ano pang mga kaartehan ang sinabi niya sa'kin. Kailangan ko ba siyang paniwalaan?
BINABASA MO ANG
My Immortal Crush: Curse of the White Wolf {FINISHED}
Mystery / ThrillerMomo is just an ordinary girl living in a big house with her older stepbrother. Everything seems normal at first but when Toshiro, a weirdo, told her everything about the Curse of the White Wolf. Everything starts to change. She met a lot of differe...