3
Half day lang kami dahil may meeting ang mga teachers kaya nauna na akong umuwi kay kuya, may pupuntahan pa raw kasi siya. Agad akong nagpalit ng damit para makialam sa mga gamit ni kuya sa kwarto niya. Nakaka-miss ang medyo malambing kong kuya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nag-o-open up sa'kin tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ate Meg. Matapos kasi ng away nila, hindi ko na ulit nakasama si Ate. Nakaka-miss din ang isang 'yun. Ang lungkot tuloy, wala naman akong nakakausap sa school. Hindi ko na rin nakakasama ang mga kaibigan ko dahil masyado silang naging busy... busy sa kung saan. Hinanap ko 'yung box namin ni kuya, siguro kasing laki 'yun ng isang maliit na timba, d'un namin nilagay lahat ng mga pictures naming magpa-pamilya para hindi namin sila masyadong ma-miss. Alam niyo kasi, ang mga maliliit na bagay na katulad ng pagtatago ng mga family pictures ay malaking bagay na sa'kin.
Napapangiti ako sa pagtingin ng mga pictures, I have reasons why I came and decided to stay here. 'Yung rasong 'yun....
"Ay, shunga!" naputol ang mga strings of thoughts ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko, nagulat pa tuloy ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at binasa ang message na galing kay Kuya Andrew.
From: Kuya Drew
12:35 pmBansot, makikipag-sleep over mamaya ang grupo ni Xhien sa bahay. Kasama rin sina Ate Maxene at Ate Ariane mo. Pakisabi kay Manang Lita na magluto siya ng maraming ulam para mamaya. Maghanda na rin ng pagkain, ah. Bansot, behave ka mamaya. Group project namin ang gagawin namin. Kung nasa kwarto ka ni Kuya... lumabas ka na diyan at 'wag ng tamad, sabihin mo na kay manang, 'kay?
Eh, bakit kasama pa si Maxene at Xhien? Kuya naman. Binagsak ko 'yong album at pinuntahan si Manang Lita. Sinabi ko ang bilin ni Kuya Andrew. Lumabas ako para mag-dilig ng mga halaman sa garden, sisiguraduhin kong walang makakalapit sa mga bulaklak ko. Lalong-lalo na si Maxene. Ate Meg, nasan ka na ba kasi?
Napabuntong-hininga ako. Sa mga oras na ganito, nakakapag-isip-isip ako. 'Yung mga taong naiwan ko sa China, ano na kayang lagay nila? Pati ang tunay kong kaibigan, ang kaisa-isang kaibigan na meron ako... si Lulu.
"Lulu, Lulu! Nasan ka na ba?! Uy, labas ka na diyan!" Sigaw ko sa labas ng bahay nina Lulu. Si Lulu, friend ko na noong limang taong gulang pa lang ako. Biglang lumabas si Lulu ng bahay nila. Naka puting short siya at blue na t-shirt, may hawak din siyang table tennis, paddle at bola ng basketball.
"Bakit ang tagal mong lumabas ng bahay niyo, Lulu?!" sabi ko sa kanya.
As usual, hindi niya ako sinagot. Tumingin na lang ako sa mga dala niyang gamit.
"Zhexie, woman yinggai zuo xie shenmen?" (What should we do with those?), tanong ko sa kanya. Bigla na lang niya akong hinila papuntang park. Hindi na naman ako sinagot. Ay, naman. Naglaro kami doon. Hapon na n'ung naisipan naming bumalik sa bahay. Kahit pagod kami, sobrang masaya pa rin naman. Si Lulu, lalaki siya ah. Lulu ang tawag ko sa kanya kasi mas mukha pa siyang babae kaysa sa'kin.
Miss ko na ang lalaking 'yun. Gusto ko siyang makita... kaso, hindi na ako muling nakabalik pa ng China simula nang lumipat kami sa Japan. Pumasok ako sa loob matapos kong magdilig. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng juice sa ref.
"Momo, andito na si Kuya!" Hindi ko sila pinansin at umakyat na lang sa taas at nagkulong. Hindi ko rin naman alam kung paano pakikitunguhan ang mga bisita ni kuya, lalo pa't nand'un si... Xhien.
**
Dedicated po kay Missmaple, salamat sa pagiging inspirasyon! :)
BINABASA MO ANG
My Immortal Crush: Curse of the White Wolf {FINISHED}
Mystery / ThrillerMomo is just an ordinary girl living in a big house with her older stepbrother. Everything seems normal at first but when Toshiro, a weirdo, told her everything about the Curse of the White Wolf. Everything starts to change. She met a lot of differe...