Oh no.. Momo.. ~Xhien Han
Lumakas ang kidlat at ang kulog na parang may nag aaway na dalawang dragon sa kalangitan.. Hindi alam ni Xhien ang kanyang gagawin.. Hindi alam ni Xhien if okay lang din si Momo.. Pero isa lang ang alam nyang pwedeng gawin.. Lumabas sa bilog na ginawa nila at bigyan ng sugat ang kanyang palad at isigaw ang "Kirishimanikokoro no Momo kishishondatikima (Let go of Momo and be gone forever) Merashi Merashi mekagahiarimakoshi!(Go away! Go away! She can't live forever if you are with her!) Take her curse away and let her live forever! Let she be normal again! Take me instead of her.. Merashi! Merashi! ALPHA MICAHLIAHNTA!! KIRAKONO!!!!"
Booooooooooooooooooommmmmmmmmm!!!
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay bigla na lamang syang naglaho at lumiwanag na ang buong gymnasium.. Napahiga rin si Momo at nawalan ng malay.. Hindi makapaniwala si Lola Caliph na ginawa iyon ni Lulu. Na kaya nyang isakripisyo ang kanyang sarili para lamang kay Momo. Ito nga kaya ang ibig sabihin ng propesiya ni Lolo Gira. Ang propesiya ng sumpa ng puting lobo ay kahit kailan ay hindi matatapos. Na kahit ilang ritwal at sakripisyo ang gawin ay hinding-hindi mapuputol ang sumpa? Nilatag nila si Momo sa isang papag sa loob ng gymnasium at binigyan ng hangin. Huminga ng malamin si Lola Caliph at inilagay ang kanyang kamay sa noo ni Momo at pumikit. Sa kanyang pagsisiyasat ay wala syang matagpuan na memorya sa loob ng kanyang utak. Kahit ang memorya at kanyang nakaraan ay wala na rin. Kumbaga sa kompyuter ay na reformat ang utak ni Momo. Hindi alam ni Lolo Caliph ang gagawin. Sapagkat, sa isang daang taong nabuhay sya ay hindi nya pa ito nararanasan. Hindi nya alam kung sino ang sisishin at paano sasabihin sa kanyang pamilya ang nangyari. Lalo na ang nagyari kay Lulu (Xhien). Ano kaya ang mangyayari?? Tapos na ba ang paghihirap nila? O, mas lalala pa ito kaysa sa nangyari kay Momo. Pagkatapos nito. Ano na ang susunod? Lumabas ng gymnasium si Lola Caliph at tumingin sa mga ulap at sa kalangitan. At pinikit ang mga mata. Huminga ng malalim. At inalala ang nakaraan na kasama nya pa si Lulu.. Teka nga lang.. Saan nga ba napadpad si Lulu??
~o~o~o~o~o~o~
Sa isang parte ng Gliffan Forest, sa gilid ng Ilog ng Gliffan at sa tabi ng sulok ng Isla ng mga Sirena, ay doon napadpad si Lulu. Ang Gliffan Forest ay isa sa mga tinirhan ng puting lobo bago ito namatay at naging sumpa, isa itong kagubatan na puno ng mga diwata, dwende at iba't-ibang magical creatures na kulang na lang ay ayaw mo nang umalis. Dito rin halos nakatira ang mga mahiwagang lobo na ang balat ay kulay asul at ang iba ay bahaghari. Mainit na tinanggap ng reyna ang pagdating ni Lulu. Habang natutulog ito, ay hindi nya alam na marami na pala ang may alam sa propesiya na tawag ng mga tributo. Natawa ang reyna sa balitang ito. Ngunit mas natutuwa sya sa pagdating muli ng puting lobo. Tama nga ba iyon?? Si Lulu ang may hawak ngayon ng sumpa?? O, simula't-simula, si Lulu ang puting lobo??
Yan.. ang aabangan ninyo sa next season ng The Curse of the White wolf.. thank you sa lahat
BINABASA MO ANG
My Immortal Crush: Curse of the White Wolf {FINISHED}
Mystery / ThrillerMomo is just an ordinary girl living in a big house with her older stepbrother. Everything seems normal at first but when Toshiro, a weirdo, told her everything about the Curse of the White Wolf. Everything starts to change. She met a lot of differe...