|Keila's Pov|
"Keila! Sakay na!!! Late na tayo sa presscon!" Sigaw sa akin ni manager.
Sumakay na ako at nagpatugtog na lang ng music.
*sigh.
Makikita ko na naman yung tanda na yun! Tsk! Kainis. Bakit kasi lagi na lang kami ang pinagp-pair? Pwede naman siya sa leader ng gfriend ah?! Mas bagay pa sila! Argh! Kainis talaga.
Bumaba ako ng huminto ang van.
"Keila, Room 4 tayo."
Dumiretso ako sa room 4 kung saan mangyayari ang presscon namin tungkol sa issue na ginawa na naman ng sasaeng niya. Tsk! Dami dami talagang arte nung babaeng yun. Hindi naman magiging sila ni Dayne e! Pahirap talaga sa buhay.
Dumiretso kami sa backstage at nakita ko na si dayne doon. Napairap na lang ako. Ang pangit talaga! Argh.
"Hey babe." Ani nito.
Umirap na lang ako. Kevin Dayne Artillo, one of the hotte--. Pwe! Anodaw?! Ulit! Siya si Dayne. Isang manloloko, isang mangga! Oo! Mangga! Manggagamit! Tsk!
"Babe! Babe ka dyan! Gusto mo tumalsik sa planetang ito at doon ka na sa mars ha?!" Singhal ko sa kanya.
Ngumisi siya sa akin at lalo naman akong nainis! Naman! May gana pa siyang maging masaya?! Wow ha!
"Kung kasama ka, osige! Ipatalsik mo na tayo sa mars. Masaya yun. Parang The MARTIAL lang tayo. Hitmaker na naman tayo." Sabay kindat niya sa akin.
"Ano ba?! Sira ba yang mata mo? Kanina ka pa kumikindat dyan! Magpatingin ka sa doktor bukas ha?" Sabi ko.
"Uy!!! Concern siya!!!" Sabi niya sa akin.
Ok!
"Uy!!! Hindi ah!!! At bakit naman ako magaalala aber?!" Sabi ko sa kanya.
"WE'LL START VERY SOON!!!!"
Hinawakan niya ako sa baywang at lalong hinigpitan kaya ang lapit niya na. Buset!
" Umamin ka na kasi Keila... Mahal mo naman ako di ba?" Tiningnan ko siya at malungkot naman ang mga mata niya. Luh!
Tinulak ko siya palayo. Naku! Hindi! Hindi! Hinding hindi na yun mangyayari ulit!! Argh.
"Hindi.. Hindi na.. Kaya please tumigil ka na." Diin ko sa kanya.
"START NA! MAGPAKITA NA KAYO SA MGA TAO! C'ME ON!" Sigaw nung producer.
Naglakad na ako at hinawakan ni Dayne yung kamay ko. Tiningnan ko siya at ngumiti lang naman siya sa akin. Kaya umirap ako. Pucha! Wag naman yan! Yan kasi yung ngiti mo dati! Argh! Ayan ka na naman keila! Bakit lumalambot na naman yang puso mo!!
Nakalabas kami sa backstage at nasilaw naman ako sa mga ilaw ng camera. Tsk.
Pinaupo kami sa mga seats namin at nagpakilala. At nagstart na ang paunahan ng tanong ng mga iba't ibang sites. Tsk! Mga chismoso at chismosa talaga.
"I'm from Splendid News. Is it true that you, Ms. Keila Lee and Mr. Dayne Artillo had an alleged scandal of kissing off cam?" Tanong nito.
Kissing kissing! Churva! Mga Chismoso talaga kahit kailan! Pinakita yung picture na ikinagulat ko! Shemay!! Anong?! Paano yan nakuha?! Dati pa yan ah! 4 years na ang nakakalipas.
YOU ARE READING
The 1995 Couple |NaCheol|
Kısa HikayeWe were named as the 1995 Couple. And we're definetely killing it! (SevenTwice #1)