Vote.Comment.Be a Fan
--
Raven's POV
Ako nga pala si Raven Valle. ang lalakeng pinagkatiwalaan muli ni Jessa ngunit iniwan ko rin siya , mula nung iniwan ko si Jessa nagbago na din ang ikot at takbo ng mundo ko .
Wala nakong makulet o maasar, malambing , mapagsabihan ng problema at higit sa lahat wala ng nagpapasaya saken . Akala ko si Ynah lang ang nagpapasaya at mamahalin ko ng buo .
Pero nagkamali pala ako . Oo nga at mahal ko siya pero hindi niya ako kayang mahalin pabalik dahil hanggang bestfriend lang ang kaya niyang ibigay saken. Pero ako ? Pinipilit ko pa rin na mahalin niya ako . Kahit alam kong malabo talaga .
Si Jessa ? Oo nga at manloloko siya noon . Pero naramdaman ko na naging seryoso siya sakin . Alam ko rin na mahirap para sa kanya ang magtiwala ulet pero sinubukan niya saken ngunit iniwan ko rin siya . Nagsisisi talaga ako sa kabobohang ginawa ko . Nung una ko siyang makita sa paradise niya umiiyak siya nun at ako lang ang may alam at pinagsabihan niya nun kung bakit.
Flashback
3 years before...
Naglalaro kame ng mga kaklase ko noon ng sipa . Nang bigla pumasok sa loob ng kabilang gate yung sipa namen bawal pumasok sa lugar na yun kase madaming kwento na kasho daw may multo dun at may white lady daw na nagpapakita sa kabilang gate na yun kaya naisip ko din na wag nalang kunin yung sipa namen. Pero hindi naman akin yun eh kaya no choice ako.
"Raven ikaw na kumuha, ikaw naman may gawa" Paninisi saken ng kaklase ko habang nagkakamot sa ulo
"Oo na kukunin ko naman yun eh wag kang mag-alala paiyak ka na e" pangaasar kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad . Medyo may kataasan ang gate kaya napaisip ako kung paano ako makakapasok ng malapit nako sa gate ay napansin kong parang hindi naman nakakandado ang gate dahil nakakawit lamang iyon . Kaya agad kong binuksan iyon.
Pagkapasok ko ay agad kong hinanap ang sipa namen . Ng makita ko yun ay kinuha ko agad at magtatangka ng lumabas dahil baka may makakita pa saken.Pero imbis na mapalabas ako agad ay naakit ako sa sobrang ganda ng lugar na kinatatayuan ko ngayon . Kaya't napagpasyahan kong magtagal muna sandali sa loob . "Malayong malayo sa usap usapan na may nakakatakot dito sa lugar na to dahil sa sobrang ganda" sambit ko sa sarili ko habang nanantiling namamangha sa nakikita ko.
Kung makikita mo ang lugar na iyon ay masasabi mong para kang nasa paraiso sa sobrang ganda.Hindi ko maisip na may ganitong lugar sa loob ng paaralan namen. dito ay mas gugustuhin mo ng wag nalang umalis doon.
ng bigla akong makarinig babaeng umiiyak sa ilalim ng puno Nang una ay natakot ako dahil baka nga makita ko ang sinasabing white lady sa loob ng lygar na ito. Pero hindi naman iyon ang nakita ko. Mukha naman siyang tunay na tao kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa may braso. Naninigurado lang dahil baka nga naman hindi siya tao .
Pagharap niya ay nakita ko ang mukha niya na maganda pa rin kahit halata sa kanya ang sobrang kalungkutan. Tumutulo pa mula sa mga mata niya ang mumunting butil ng luha. Pero napansin kong parang may pag kakahawig sila ng babaeng minamhal ko ng lubos ng mga panahong iyon si Ynah .
"S-sino ka ? *sob* p-pano ka naka*sob*pasok dito? *sob*" tanung niya saken habang pinupunasan ang mga luha na nasa mga mata niya. parang kanina pa siyang umiiyak dahil sa sobrang pula ng mga mata niya at medyo paos niyang boses .
"Ah eh... kinuha ko kase to tumalsik kase sa --" Hindi ko na natuloy dahil bigla bigla nalang niya akong niyakap at humagulhol ng iyak sa dibdib ko . Wala akong ibang magawa kundi ang hayaan siya at haplusin ang kanyang napaka bangong buhok "Iniwan niya ako *sob* sabe niya *sob* pabigat na daw ako sa kanya *sob* Hindi *sob* hindi na daw niya ako mahal at *sob* hindi na niya ako kailangan *sob* Magisa nalang a-ako *sob*" at muli na naman siya humagulhol ng iyak habang nakayakap pa din saken . Para siyang bata na nagsusumbong sa daddy niya dahil iniwan siya ng kalaro niya.
BINABASA MO ANG
Love Sick
Storie d'amoreLove Sick- Prolouge- | Teen Fiction-Heavy Drama-Romance- Comedy | Bawat tao my iba't-ibang kwento at karanasan sa buhay .. Lalo na sa kwento ng buhay pag-ibig.. May iba nagtatapos na may masayang hangganan. Pero madami ang hindi pero natututo pa din...