since that incident parang balik kami ni mommy sa date . Andun pa din yung tampo ko sa kanya pero nag sorry naman siya eh kaya okay na yun. hindi na dapat pinapahaba ang mga ganung away . After ni mommy mag-apologize nangungulit na siya about dun sa lalaki na nag hatid daw sakin .. andami niyang tanong sakin . Kung sino daw ba yun ? Kung mgusto ko daw ba ? O kung manliligaw kon daw po ba siya .
Pero imbes na sagutin ko yung tanong niya lalo lang ako naiinis kaya nakatulog nalang ako na ganunang sitwasyon namin ni mommy
Pag gising ko nung umaga nakita kong katabi ko si mommy . Nakapantulog na din siya . at may mga unan na din .. Ganda ganda ng mommy ko ..
magnda din naman ako . Pero bakit kaya kami iniwan ni daddy ? Kumusta na kaya siya ngayon ? masaya kaya siya ? Tinatry ko din siyang hanapin sa mga social media sites pero wala siya eh .. Haaaayyy nako ayoko na siyang isipin ..
Tapos naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko . Pag tingin ko nag tetext na pala sina Mary sakin .. Saka ko lang naalala na nagyon na nga pala ang Feast Day namin. This is the big day so excited
Nag ready na ko para pumasok diko na din ginising si mommy kase baka pagod siya kahapon at di ko rin naman alam kung anung oras siya natulog . Nag iwan nalang ako ng letter sa tabi niya na nag sasabi na umalis nako at mag iingat siya for this day ..
sinabihan ko din si Inay na kelangan ko ng iready yuung mga dadalhin ko para mamaya . Tapos sabi niya siya na nalang daw ang mag hahanda papatulong nalang daw siya kay Kuya Driver . Kaya naligo nalang ako at nag ayos,kumain .. Pero habang nakain ako biglang may nag text
" Hey to all class officers This is Our Big day :) Kayang kaya natin to ... Goodluck sa ating lahat "
Galing sa President namin yung text . Well alam ko naman na ready naman na kaming lahat para sa araw na to at feeling ko naman hindi sayang ang paghihirap namin . Nakka excite talaga ng sobra ..
After ko kumain umalis na agad ako ng bahay . Pag dating ko sa school diretso agad ako sa room namin .. Maayos naman na ang room, May mga decors na rin siya . Excuse ang section namin para sa araw na to kase nga feast day namin ..
Habang ina-arrange namin ang mga foods na dadalhin namin sa orphanage biglang sumigaw si Aaron na nakaagaw ng atensyon ko . " Guys fall in line na tayo ? Bak kasi mag umpisa na ang mass "
Sinigaw niya yun pero ang paningin niya ay nasa akin lang .. Ayokong mag assume pero sakin talaga siya nakatingin eh tapos may pag kindat pa na nalalaman .. Diko alam pero parang medyo uminit ang kklima nung oras na yun .. anla ewan ko ..
Bad ka Jessa . Pag ka kindat ni Aaron bumalik na ulit ako sa ginagawa ko tapos nilapitan ako nung president namin at sinabeng mamaya ko nalang daw ituloy yung ginagawa ko pag katapos ng mass namin . Pero syempre dahil matigas ang ulo ko Tinapos ko muna yung ginagawa ko tapos sabi ko susunod nalang ako kaya naiwan nalang ako mag isa .
Ano nga ba naman kase ang ginagawa ko? Ummm sinasalansan ko lang naman yung mga dadalhin namin mamaya sa bahay ampunan mamaya pagbalik namin galing sa mass . So para isang diretsyo nalang inaayos ko na ang lahat para di na kami mag pabalik balik /
" Ui ? Diba sabi tara na ? Mag uumpisa na kase ang mass .. Ang kulit mo din naman " Nagulat ako nung biglang may nag salita sa likod ko .
" Eh kase ayoko na nung saka kayo mag hahagad hagad na mangulit at magtanong kung anu yung mga dadalhin para mamaya .. Time mangaement lang kung baga " Pa-asar kong sagot sa kanya
" Halika ka na nga tulungan na kita .. Baka mabali pa yang buto mo . " Tapos ngumiti siya .
Okay edi mang-asar ka lang jan bahalaka .. Wala ako sa mood makipag-asaran, pero ginawa naman niya yung sinabe niya tinulungan niya akong magpack at mag sana sama ng mga kailangang dalhin mamaya.
After naming mag ayos ay pumuntsa na din kaminng simbahan pagkatapos ng mass ay nag picturan kami ng nag picturan ... Tapos at kinuha nanamin yung mga biinalot namin kaniana at bumiyahenna papunta dun sa ampunan
Nasa laabas pa lang kami ng ampunan ay rinig na namin ang malakas na hiyawan ng mga bata ng sabihin ni sister na andun na kami sa labas.. Si Aaron ang unang pumasok ng ampunan dahil kilala daw niya yung mga tao dun
Pag pasok palang niya ay sinalubong na agad siya nung mga bata .. Na para bang kilalang kilala na siya ng mga ito ?? Mababaks sa mga bata na ansaya saya nila nung nakita nila si Aaron
Tapos ay nag mano siya sa mga madre na nasa may pintuan at natulong sa pagbuhat ng mga dala namin para sa kanila ..
Yung mga sumunod na nalaman ko ay hindi talaga kapani paniwala ..
BINABASA MO ANG
Love Sick
RomansaLove Sick- Prolouge- | Teen Fiction-Heavy Drama-Romance- Comedy | Bawat tao my iba't-ibang kwento at karanasan sa buhay .. Lalo na sa kwento ng buhay pag-ibig.. May iba nagtatapos na may masayang hangganan. Pero madami ang hindi pero natututo pa din...