"Tamia nandito na sila!!" sigaw ng bestfriend kong si Lei.
Kyaaaahhh!! Nandito na nga sila. Sila ang pinakasikat na magbabarkada sa school, e bakit naman hindi, varsity na ang gagwapo pa. Lalo na si Kysler my labs. 'Yun nga lang parang ang suplado, ni di nga siya ngumingiti eh. Pero kahit na, ang gwapo niya pa rin.
"Waaahhh akin ka nalang Den!" sigaw ng isang babae.
"I love you Tristan!" sigaw din ng isa.
"Marry me Gem!" ang oa! Kasal agad.
"Make me yours Kysler!" sigaw din ng isa.
Tsk. Etchusera, akin siya no. Tinignan ko si Kysler, di man lang ngumingiti. Pero ang kabarkada niya todo smile at wave pa, siya nakayuko at nakapamulsa lang. Napakamysterious niya talaga. Nagsipasukan na kami sa kanya-kanyang klasrom at hindi ko inaasahan ito. Classmate ko si Kysler at naka-upo siya sa pinakalikod at naka-ubub ang ulo. Umupo ako sa tabi niya kasi 'yun nalang ang extra at walang naka-upo. -P pumasok narin ang teacher at nagstart na. Hindi nga ako makapagconcentrate eh, kasi naman ikaw kaya nasa tabi mo ang long time crush mo, ano kaya ang nararamdaman mo?! Natapos ang klase at uwian na, di manlang niya ako pinansin o tiningnan kung sabagay sino nga ba ako para sa kanya diba? Isa lang naman ako sa mga estudyanteng nagkagusto sa kanya. Haaayyy! Ang saklap naman!:-(:-(:-(
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan, as usual ganon pa rin ang mga babae sumisigaw. Ako ito matamlay at malungkot kasi naman wala pa si Kysler yung tatlo pa lang. Maya-maya pa may baklng sumigaw na nandito na siya. Parang nagising ang diwa ko, na-energize ako bigla. Naka-upo na ako sa seat ko ng nakita kong papasok na si Kysler. Papalapit na siya, uupo na sana siya ng bigla siyang lumingon sakin. Waaahh tiningnan niya ako, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Pagngiti ko parang na-shock siya O.O para bang di niya inaasahan ito. Nakakatuwa ang cute niya. Pero may napansin ako, bakit ang pula ng taenga niya?!? Dali-dali siyang umupo at isinubsub ang ulo. I even hear him cuss like this.
"F*ck sh*t!!" bakit kaya?? Ano kaya ang nangyari doon? Natapos na naman ang araw na walang kakaibang nangyari... ayyy oo except pala don sa pumula ng taenga niya, ang cute pero nakapagtataka??
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Another day, as usual ganon parin tuwing umaga. Pero napansin ko nandito na ang apart napaaga ata sila. Nakastand-by sila sa tapat ng pintuan ng klasrom namin. Nakakaiyak naman kung dadaan ako dun, maya nalang siguro ako papasok. Nasa malapit lang ako sa kanila ng may sumigaw ng napakalakas at napatingin lahat pati narin ang apat.
"Tam Tam! Tam Tam!" sigaw ng lalaking tumatakbo papunta sakin at agad akong niyakap. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganyan, si Ken ken ang childhood friend ko at niyakap ko din siya pabalik.
"Ken ken, kamusta ka na? Infairness di ka na mukhang payatot!" saad ko.
"Ayos lang naman, grabe ka Tam Tam. Ah siya nga pala, dito ako nag-aaral matagal-tagal na pero ngayon lang kita nakita." ani niya
"Ha! Ganon ba, bakit di kita nakikita?" tanong ko. Napatingin ako sa grupo nina Kysler, nag-uusap sila ngunit naririnig ko kasi di naman ako ganon kalayo sa kanila kaya naririnig ko ang pinagsasabi ni Gem kay Kysler.
"Ayon kasi di pa umamin, pinapairal ang pagkatorpe. Sige ka baka maunahan ka nung isa oh." saad ni Gem.
OMG!! Sino kaya ang nagugustuhan ni Kysler. Ang swerte naman ng babaeng yon.
"Hoy, Tam Tam nakikinig ka ba?" tanong niya.
"H-ha a-ah eh, sige na Ken pasok nako sa room maya nalang ha! Masaya akong nakita kita." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Kahit Isang Ngiti Man Lang (Oneshot)
Kısa HikayePlease ngiti ka na!!! Please kahit ngayon lang ngumiti ka na!! Sabi ng isip ko.