Imbes na magwaldas ng pera para sa mga mamahaling pagkain sa school ay heto ako, mag-isa sa classroom at tinapos ang mga assignment ng mga classmates ko. Ayos lang naman sa akin dahil binabayaran naman nila ako para sa pagpapagawa.
May naramdaman akong presensya sa likod ko kaya naman napahinto ako sa pagsusulat. Di ako pwedeng magkamali, siya ito, amoy palang ng pabango niyang nanunuot sa ilong ko.
Nang mas lumapit pa siya ay binilisan ko ang pagliligpit ng mga gamit ko, di ako pwedeng magtagal kasama niya.
"Jenny." Pero huli na dahil nahuli niya ang palapulsuan ko at pilit akong pinaupo. Wala naman akong magawa kaya naman umupo na rin ako.
"Jenny, binilhan na kita ng pagkain. Baka kasi nagugutom ka na." Malambing na sabi niya, na may munting ngiti habang binubuksan ang paper bag na may lamang pagkain galing starbucks.
Nagiwas ako ng tingin.
"Di na kailangan."
Bumuntong hininga siya.
"I know you're mad at me, but please. Kaya ko lang nagawa yun dahil m-mahal kita, at di ko napigilan ang sarili ko." Mahinang sabi niya habang nakatitig ng matiim sa mga mata ko."Sa tingin mo mapapatawad agad kita, muntikan mo na akong pagsamantalahan A-andrew. Ganyan ba ang pagmamahal na sinasabi mo sa akin?." Di ko maiwasan ang pamumuo ng luha ko. Sinalo niya ang mukha ko at mas pinakatitigan pa ako.
"I'm s-sorry Jenny, please."
"Just leave me Andrew, di pa kita mapapatawad ngayon." Naging madilim naman ang mukha niya.
"Saka lang ako aalis kapag kinain mo na ang mga dala ko." Matigas niyang sabi.
"No."
"You want me to go, then eat." Nagtagisan kami ng tingin, pero sa huli siya ang nanalo. Bumuntong hininga ako saka inumpisahang kumain.
Nakakatatlong subo palang ako ng dala niyang pagkain ay nakaramdam ako ng kakaiba. Nahihilo ako, bigla akong nanghihina, pilit kong inaabot ang tubig pero nabuwal ako sa pagkakaupo, mabilis naman akong nasalo ni Andrew.
"N-nahihilo ako." Mahinang sabi ko, imbes na awa at pag-aalala ang makikita ko sa mukha niya ay hindi, nakangisi siya.
"Finally, you're mine now, Jenny." Nakangisi pa rin siya habang mahigpit na yakap ang wala kong lakas na katawan. Yun lang ang huli kong nakita dahil bumigat na ang talukap ko, hanggang sa tuliyang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold)
Romance"Finally, your mine now Jenny." Nakangising saad ni Luke Andrew habang salo niya ang walang malay at walang lakas na si Jenny. Tagumpay ang plano niya, heto at nasa kanya na si Jenny kahit sa maling paraan. And he is Luke Andrew Her Obssess Suitor...