CHAPTER 15
Halos mapunit ang labi ni Andrew sa pagkakangiti nito, habang nagtitipa ng mensahe para kay Jenny sa cellphone niya. Biruin mo nga naman sa ilang taon na pangdedema sa kanya ni Jenny ay sa wakas napasakanya na ito ng totoo. Nang sabihin ni Jenny na mahal siya nito sa locker room ay diniklara na niya ang araw na iyon bilang pinakamasayang araw ng buhay niya. Why the hell no? eh si Jenny na lang ang hinahangad niya sa buhay niya ngayon. At ngayon na kanya na ito ay sisiguraduhin niyang walang kahit sino at ano ang makakapaghiwalay sa kanila.
'Uuwi kna ba?'
Nagreply naman ito.
Hndi pa. Kaaga pa kaya.
Painumin mo na nga ng sleeping pills cla dad pra d kna utusan
Loko! Mattpos na rin ako dto
Aww😳 wag kang magpapagod mahal ah ❤
Kung nasa bahay lang siya ay siya na sana ang personal na gagawa ng mga Gawain ni Jenny sa bahay. At kahit di na siya ag magtatrabaho ay papaswelduhin niya pa rin ito. Kahit di siya marunong sa gawaing bahay ay gagawin niya para sa prinsesa niya.
Kung pwede nga lang. kaso baka makahalata ang mga magulang niya at iyon ang ayaw nilang mangyari. Kung siya lang din ay di niya itatago o isesekreto ang relasyon nila Jenny ngunit ito na mismo ang tumanggi dahil di pa daw ito ready'ng magpakilala, natatakot pa ito na mareject ng mga magulang niya. pero sinisiguro niya rito na tanggap o hindi ay mamahalin niya pa rin ito.
"Uyy tama na muna yan! Birthday ko ngayon eh." Nakasimangot na sita ni Caleb sa kanya na halatang may tama na dahil mas nakakarami ito ng inom sa kanila.
"Bakit di mo na lang kase dinala si Jenny dito?." Sabi ni Stanley na nakaupo sa tapat niya at may katabing di kilalang babae. Nailing na lang siya, mukhang may mauuwi na ito ngayong gabi.
"May trabaho pa siya." Nasabi na lang niya. Pero sa loob loob niya ay mas maganda na rin na hindi nakadalo si Jenny sa bar. Masyado kaseng maingay at amoy alak sa loob hindi bagay sa tulad ni Jenny. Mas bagay nitong nasa bisig niya lang.
Pakibati si Caleb para sa akin.
"Hey bud! My girlfriend says happy birthday to you." Agaw pansin niya kay Caleb na may kalantungan na ring babae.
"Say thank you and I love her." Tumawa pa ito ng makita ang pagkapikon niya.
Sa kanilang magbabarkada ay ito ang tipikal na birthday celebration sa kanila, iinom at maghahanap ng mauuwing babae, ganoon din ang gawain niya dati but he stop ng makilala niya si Jenny.
"What's the matter?." Siko niya kay Drake na kanina pa tahimik at panakanakang umiinom ng beer na nasa tapat nito. Halata sa mukha nito ang pagiging problemado.
"I'm getting married." Usal nito.
"With whom? Eliza?."
"I'm done with that cheating whore." He gritted his teeth in anger.
"Akala ko nagkabalikan pa kayo. Then who is the unlucky bride?."
"Therese."
"argh that brat?, well good luck brod." Nangaasar na tinapik tapik niya pa ito sa balikat nito. Alam niya kase ang ugali ng malditang iyon dahil madalas na ito ang dinadala ni Drake sa mga practice at gig nila.
"Do you want to ditch them? Go on. Ako ng bahala sayo, halata naming wala dito ang utak mo." Ngumisi pa si Drake sa kanya.
"I'm dying to do that but no, pagbibigyan ko pa ng isang oras si birthday boy may pinagdadaanan eh." Nang minsan kaseng nalasing si Caleb ay naisiwalat nito sikreto nito na hindi na nito mahanap ang dating guro na siyang kinababaliwan ng kaibigan. Ang alam niya rin ay naghired pa ito ng private investigator mahanap lang ang dating guro, nakabuo na nga rin ng plano ang kaibigan kung anong paraan ang gagawin para di na ito makatakas.
BINABASA MO ANG
ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold)
Romance"Finally, your mine now Jenny." Nakangising saad ni Luke Andrew habang salo niya ang walang malay at walang lakas na si Jenny. Tagumpay ang plano niya, heto at nasa kanya na si Jenny kahit sa maling paraan. And he is Luke Andrew Her Obssess Suitor...