Chapter 5

14.3K 404 15
                                    

Isang malakas na tapik sa balikat ang nagpagising sa kanyang malalim na pagtingin sa stolen shot ni Jenny na nasa phone niya.

Inis na binalingan niya ang tumapik sa kanya pero nginisihan lang siya ni Drake.

"Tititigan mo na lang ba yan o sasabay ka sa practice namin?." Tanong ni Drake sa kanya.

Iritang tumayo naman siya sa pwesto ng drums niya. Lumipat ng upo sa couch pagkatapos niyang ilapag sa center table ang drum sticks niya.

Nasa music room sila na pagmamay-ari naman talaga nila. Kaya walang pwedeng makapasok kundi sila lang. Ito na ang nagsilbing tambayan nila kapag vacant nila. Magpapractice sana sila ng tutugtugin pero di siya makapagconcentrate dahil sa kakaisip sa babaeng mahal niya. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya kagabi.

"Love nga naman." Iling iling na turan sa kanya ni Stanley na pumipindot sa keyboard nito.

"Bakit wala pa bang improvement? Sige ka! Baka may pumorma na doon." Tumatawang wika ni Caleb na nasa tapat niya lang nakaupo at umiinom ng coke in can.

"Any plans dude?."

"I offered friendship and she accepted it, ganon na lang muna. Di ba doon naman naguumpisa? Sa pagkakaibigan?."

Tumawa naman ang tatlo.

"Hina mo! Gapangin mo na kase." Tawa ni Caleb.

"Iba siya gago!." Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

"Maginoo masyado ang loverboy natin dito." Pang-aasar ni Stanley. Di na lang niya ito pinansin.

..

"Hija, pakidalhan ng beer si sir Andrew. Nasa pool siya. " Utos ng mayordoma sa kanya habang busy siya sa pagpupunas ng mga platong natapos na niyang hugasan.

"Sige po." Sabi na lang niya tska mabilis na tinapos ang ginagawa at kumuha na nga ng tatlong beer in can, sinamahan na rin niya iyon ng chips.

Agad din siyang dumeretso sa pool area at doon rin niya nakitang ang binatang amo na naglalangoy sa pool suot lang ang isang boxer. Kahit paano ay inaamin niyang na-a-attract siya ngayon sa hitsura nito, di rin tuloy niya mapigilang pamulahan ng pisngi habang pinagmamasdan itong mahusay na lumangoy.

"Andito na po ang inumin niyo." Pagkuha niya sa atensyon nito. Sinenyasan lang siya nito na ilagay iyon sa bakanteng lamesa na andoon at iyon nga ang ginawa niya.

"May iuutos pa ba kayo?."

"Anong oras ang uwi mo?." Sa halip ay tanong nito habang nakaupo ito sa hagdan ng pool kung saan lubog pa rin ang kalahati ng katawan nito.

"10:00 pm po sir."

"Its Andrew, Jenny. Wala naman nakakakita sa atin eh." Tumawa pa ito ng mahina. Sinenyasan siya nito na abutan ito ng inumin at ganon nga ang ginawa niya.

Binuksan naman nito ang can at agad uminom. Napagmasdan niya pa kung paano nagtaas-baba ang adam's apple nito sa pag-inom.

"Aalis na po ako." paalam niya rito.

"Hindi wag muna. Kwentuhan muna tayo." Sabi nito tsaka umahon sa pagkakalubog sa pool. Inabot naman niya agad ang towel dito na nakapatong sa mesa. Pinulupot nito ang towel sa pangibabang bahagi nito at umupo sa louge chair.

"Wala akong ma-ikwekwento sayo." Sabi niya at umupo sa kabilang upuan.

Inabutan siya nito ng beer. Umiling naman siya.

"Hindi ako umiinom." tinanungan naman siya nito.

Tumingin ito sa kanya. "Kwento mo kung bakit ayaw mo sa akin."

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon