Chapter 10
"You can use my lucky pen, babe." kindat ng kaibigang si Caleb sa mga babaeng binibigyan ng lalaki ng xerox ng questionnaire ng research nila.
Kanina pa sila nagpapasagot sa mga estudyante. Kanina pa rin sila naiinitan dahil tirik na tirik ang araw non. Pero tuwing nililingon niya ang cottage di kalayuan sa kanila ay parang wala lang sa kanya ang init. Paano ba ay tanaw na tanaw niya si Jenny na katulad ng dati ay abala sa pagaaral nito kasama ang babaeng kaibigan. Abala ang babae sa pagsusulat at panaka-nakang pagbabasa.
Dahil sa nakikita ay nagkakaroon siya ng motibasyon para magsikap din tulad nito.
"Kaya pala." medyo gulat pa siya ng biglang magsalita sa gilid niya si Caleb.
Nakataas ang labi nito sa pagkakangisi habang nakatingin din sa cottage kung nasaan si Jenny ngayon.
"Taragis tong lalaking to! Paubos na yung xerox ko pero ikaw pakalahati palang. Magbigay ka kase sa mga dumadaan hindi yang nakatingin ka sa kung saan. Hindi mo rin ata napapansin yung mga babaeng kusa ng kumukuha ng xerox sayo makapagpapansin lang. Poor girls." mahabang sermon sa kanya ng kaibigan.
Hindi niya na lang ito sinagot at nagumpisa na lang din mamigay ng xerox. Kinokolekta na rin niya ang iba na natapos ng sagutan.
"You remind me of Apollo. Our own band name. Apollo is a greek god of music. He really love this beautiful nymph named Daphne. She was his first love. But unfortunately Daphne never responded to his love which is unusual because he is a god." kwento nito.
"Parang kayo lang ni Jenny. To think na na sayo na ang lahat, face, talent and money pero wala pa rin. Hindi ka pa rin niya pinapansin."
Seryoso niyang tinignan ang kaibigan. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa katotohanang sinampal nito sa kanya. Na siya pala ang perfect symbol ng banda nilang Apollo, na tulad nito ay nasawi rin sa pagibig.Ngumisi ang kaibigan niya at inakbayan siya.
"But you are still lucky dahil andyan lang siya. Marami kang pagkakataon para patunayan ang sarili mo para sa kanya." nakangiti ito pero malungkot naman ang tinig nito.Marahil may pinagdadaanan din ito sa buhay pagibig.
"Hindi mo pa rin ba siya nahahanap?." tanong niya rito.
Umiling ito. "Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap." tawa nito.
"But I'll do my very best to be successful, to be worthy of her saka ko siya hahanapin at haharapin. Nangako ako sa kanya." matatag nito pahayag.
"We should think of another name for our band. Natutulad tuloy tayo kay Apollo." biro niya rito. Natawa na lang sila sa ideyang iyon.
"Nasaan na pala yung dalawa?." natanong niya bigla sa katabi kanina pa pala sila dito pero wala pa rin ang dalawa.
"Nasa 7eleven nagkakape."
"Kape?."
Tumango ito. "Parehong may hangover."
Nailing na lang siya sa sagot nito.
Pinagpatuloy na nila ulit ang pagpapasagot. Pero hindi niya pa rin mapigil ang sariling silip-silipin ang babae sa kabilang dako. Gusto na niyang hilain ang oras para makasama at makausap niya ito sa mansyon.Pero agad nagsalubong ang kilay niya ng mamukhaan ang lalaking kasama ni Jenny sa cottage. Mukhang wala atang takot ang lalaki dahil lumapit ulit ito kay Jenny. Napagbantaan na niya ito dati pero mukhang walang kadala-dala ang lalaki.
"The wimp has guts." komento ni Caleb na nakatingin na rin sa dereksyon na yon.
..
Kakatapos lang ng pangalawang gig nila sa dalawang magkaibang bar ngayong gabi at meron pang isa. Nagpaalam lang siya saglit sa mga kabigan niya na uuwi para makapagpalit ng damit pero ang totoo talaga niyang motibo ay makausap si Jenny at ihatid na sana ito pauwi ngunit sadyang mailap ata ang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold)
Romance"Finally, your mine now Jenny." Nakangising saad ni Luke Andrew habang salo niya ang walang malay at walang lakas na si Jenny. Tagumpay ang plano niya, heto at nasa kanya na si Jenny kahit sa maling paraan. And he is Luke Andrew Her Obssess Suitor...