Chapter 1

21K 491 24
                                    

Pabagsak na sinara ni Jenny ang
libro na kanina niya pa binabasa, pero kahit anong pilit niyang magreview ay wala namang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang kinakaharap niyang problema.

Kailangan niya ng pera, pera para sa pagpapa-opera sa puso ng nanay niya. Pero kahit anong subsob niya sa trabaho ay di pa rin siya makaipon ng ganon kalaking halaga. Dahil maliit lang naman ang kinikita niya sa pagiging waitress sa bar, idagdag mo pa ang gastusin sa pag-aaral ng kanyang nakababatang kapatid. Tapos isama pa ang bayad sa renta ng bahay. Kaya habang wala pa siyang pera para pang-opera ng nanay niya ay pinipilit niyang tugunan na lang ang mga gamot ng kanyang ina.

Nawawalan na siya ng pag-asa...

"Problem again, bes?." Napaangat siya ng tingin sa kaibigan niya na bagong pasok lang ng library at naupo sa tapat niya.

Umayos siya ng upo.
"Di ko na alam ang gagawin ko." Mahinang anunsyo niya.

"Bes, andito ako tutulungan kita." Ngiti ng kaibigan niyang si Yumi. Kalahating pinoy at kalahating hapon. Ito lang ang naglakas na loob na makipagkaibigan sa kanya, mayaman si Yumi, maganda at mabait. Pero di niya rin lubos akalain na ito ang magiging kaibigan niya dahil isa lang naman siyang mahirap at nakatungtong lang sa sikat na unibersidad dahil scholar siya dito. At dahil din dito kunti lang ang nakakausap niya dahil matapobre halos ang nagaaral dito.

"Kunin mo na ito." Sabay kuha ni Yumi ng palad niya at binigay ang limang libo.

"Hindi ko matatanggap ito." Tanggi niya at pilit na binabalik kay Yumi ang pera pero pinanlakihan lang siya nito ng mata.

"Alam ko naman na aayawan mo ang tulong ko eh, kaya bayaran mo na lang ako niyan kapag nakaluwag ka na. Tanggapin mo na yan, para naman  sa pang maintenance na gamot ni mama Celly." Paliwanag ni Yumi. Mama na rin ang tawag nito sa nanay niya dahil close at magkasundo ang dalawa.

Ilang beses pa siyang nagtalo pero talagang mapilit si Yumi kaya wala na siyang nagawa kaya tinggap na lang niya iyon, tutal para sa ikabubuti naman ng nanay niya yun.

"Tara." Aya ni Yumi sa kanya.

Nagtatakang tumingin naman siya dito.

"Saan?."

"Para mawala yang problema mo ng panandalian, pupunta tayo sa soccer field." Ngisi ni Yumi.
Agad naman siyang umiling-iling pero wala na rin siyang nagawa ng hilain na siya nito palabas ng library.

..

SINALPAK niya ang headset niya sa tenga niya para di marinig ang mga tili ng mga babaeng studyante habang nanonood ng practice game ng soccer team ng school. Dapat talaga di na siya pumunta dito dahil magkakadiperensya lang ang pandinig niya sa mga babaeng ito.

Napangiti siya ng makita si Yumi na binulyawan ang mga babae, pero inirapan lang si Yumi ng mga ito. Kaya nauupos sa galit ang kaibigan niya na naupo pabalik sa tabi niya.

"Argh! Empyerna yang mga yan!." Napasabunot pa ito sa ulo.

Napatawa siya ng mahina.
"Sabi ko kase sayo sa library na lang tayo."

"Psh." Inirapan siya nito. "Pwede ba, ipahinga mo naman ang utak mo! Masyado ka ng matalino."

"Waaah!! Jenny si Luke Andrew!!." Tili ni Yumi.

Agad naman siyang natigilan at napatungo.

"Bes tignan mo oh nakatingin siya sayo!." Puno ng kilig na sabi ng kaibigan niya.

Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin. Nagtama agad ang mga mata nila ng lalaki. Halos tagos sa kaluluwa niya ang titig nito kaya agad siyang bumawi ng tingin.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon