Chapter 8

4.6K 114 12
                                    


"Jenny!.. Hey! I'm so sorr--." hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay agad na siyang nilagpasan ng dalaga. Parang wala lang itong narinig o nakita. Dere-deretso lamang ito ng lakad.

Saglit siyang natulala bago muling hinabol ng lakad ang dalaga. Tinangka niyang pigilan ang dalaga sa paghawak sa braso nito pero mabilis lang nitong iniwas ang mga iyon.

"Jenny. Talk to me..." sabi niya rito habang sumasabay sa mabibilis na yabang nito. Pero wala pa rin siyang narinig na kahit ano sa dalaga.

Ngumiti siya ng mapait sa sarili.

"Mabigat yan huh... Ako na magbubu--." sinubukan niyang kunin ang mga gamit nito para tulungan itong magbuhat pero iniwas ulit nito ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

Huminga siya ng malalim para mabawasan ang paninikip ng dibdib niya.

"Gusto mo ba ng matcha crepe cake. Bibilhan kita." habol niya pa rin dito. Hindi na niyang pinansin ang mga tao sa paligid nila.

Nakahinga siya ng naluwag ng huminto ito sa paglalakad ngunit ng humarap ito sa kanya ay blanko ang ekspresyon ng mukha nito.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan? Pagod na akong araw-araw ay lagi ka na lang nakabuntot sa akin. Nakakairita ka na." deretsong sabi nito.

Nangisi siya ng nalungkot. Sinuksok niya sa bulsa ang mga nanginginig niyang kamay.

"Gusto ko lang mag-sorry sayo. Hindi ko naman alam na magiging ganon ang reaksyon mo sa biro ko."

Tinaasan siya nito ng kilay.
"Ngayon alam mo na. Na hindi lahat ng tao ay natutuwa sayo."

"Grabe. Hindi pa man tayo ang hirap mo ng suyuin." bulong niya sa sarili.

Nangunot naman ang noo nito sa pagtataka.
"May sinasabi ka?."

Inilangan niya lang ito. Pinagsawa niya ang mata sa kagandahan nitong nasa harap niya. Gandang umakit sa kanya noong una palang niya itong nakita sa library ng campus nila. Doon palang ay interesado na siyang makilala ang dalaga, pero sa kauna-unahang pagkakataoon ay nahiya siya. Nakalimutan niyang magsalita noong mga araw na iyon. Kaya naman nakuntento na lang siya sa panonood dito mula sa kabilang lamesa ng library. Pero ng mag-umpisa niyang makilala ang dalaga ay hindi lamang ang ganda nito ang nagustuhan niya rito. Kaya naman ng lumakas at lumalim lalo ang nararamdaman niya rito ay lumakas din ang loob niyang lapitan ito.

Too bad, malabong maging kanya ang dalagang ito. Pero umaasa pa rin siya. Baka di man ngayon. Baka bukas o kaya sa susunod pang araw. Kahit abutin pa siya ng isa pa ulit na taon sa pagsuyo sa babaeng ito ay wala siyang pakialam.

"Akin na ito huh." nilabas niya sa bulsa ang keychain na naiwan nito kahapon.

Nanlaki naman ang magagandang mata nito.
"Akin na 'yan." mabilis siya nitong nilapitan para agawin sa kanya ang keychain pero mabilis niya itong tinaas.

"Akin ito. Para sa akin 'to diba?." tawa niya rito. Nasasayahan sa pagkakadikit ng kanilang katawan.

Namula naman ang mga pisngi nito. Pinigilan niya ang sariling haplusin ang makinis at mamula-mula nitong pisngi.

"Hindi sa'yo yan! Para... para sa kapatid ko 'yan!." defensive na palusot nito.

Ngumuso siya para asarin ito.
"Huh? Eh babae ang kapatid mo huh. Jessica diba.."

Nanlaki naman ang mata nito.
"Paano..?."

"Friend ko sa facebook." sagot niya dito. "Err kelan mo pala i-accept request ko?." tanong niya rito. Ilang taon ng na-amag ang friend request niya rito. Pati mga chats niya rito ay hindi man lang nito binabasa.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon