Chapter 14

4.9K 118 57
                                    

Chapter 14

"Sorry Andrew pero hindi pa rin pumapasok si Jenny eh. Mataas pa rin lagnat niya kahapon nong dumalaw ako sa kanila. " paliwanag ni Yumi sa kanya. "Baka hindi ulit siya makaka-attend ng class bukas."

"Ganon ba." tumango naman ang dalaga.

"Why not na dalawin mo na lang siya ng personal para naman mapanatag ka? Kontento ka na lang bang makibalita sa akin." may halong panunuksong komento ni Yumi.

"I want to...but I'm not sure kung kakausapin niya ako."

"Alam mo Andrew, may pagkamasungit yung beshy kong yon pero mabait yon. Tsaka ayaw mo bang patunayan sa kanya na seryoso ka sa kanya?."

Napangiti naman siya sa sinabi ng babae. "You're right. I'll do that." tumango at nagthumbs up sa kanya ang dalaga bago ito pumasok muli sa loob ng klase.

"Three days of absence, mahihirapan siyang humabol sa klase niyan." komento ni Stanley na katabi niyang naglalakad sa hallway ng nursing building.

Napahilamos siya ng mukha.

"This is all my fault." nasabi na lang niya bago inis na napabuga ng hangin.

"Baka naman na food poison mo. Alam mo naman ang lolo mo may pagkapilyo." nagkibit balikat ang katabi. Maaring tama ang sinabi nito pero siguro naman hindi iyon magagawa ng lolo niya sa ganoong sitwasyon.

"Naalala ko pa nong minsang tumambay tayo sa mansion ng lolo mo, inalok niya ako ng yosi. Tapos nong sinindihan ko na at hinithit pinulbos pala na katol! Shit! Hanggang ngayon tanda ko pa yung lasa ng usok non sa lalamunan ko." nakangiwi pa si Stanley habang nagkwekwento ito. Ang bilis naman kase nitong mauto, basta kahit anong sigarilyo tatanggapin agad. Si Stan kase ang smoker sa kanilang magkakaibigan. Palibhasa rebelde sa mga magulang.

"Maging lesson sana iyan para di ka na manigarilyo." nasabi na lang niya. Umismid  lang ang katabi.

"Ano na ang next move mo, lover boy?." tanong nito habang nagsisindi ng sigarilyo ng makarating sila ng parking lot.

"Hindi ko pa alam." humalakhak naman si Stan taska umalis sa pagkakasandal sa motor nito at inakbayan siya.

"Kalimutan mo na kase siya. Mag-bar tayo mamaya maraming choices ng mga babae doon." bulong nito sa kanya.

"Maganda nga si Jenny, matalino bunos rin na sexy siya! Eh kaso taob ka naman 'don." inis na inalis naman niya ang pagkakaakbay nito sa kanya at tinignan niya ito ng masama.

"No way! Iba si Jenny, siya ang gusto ko." pinagpag niya pa ang kamay para di malanghap ang usok nito.

"Pa-good boy ka naman dyan! Alam mo mukha kang naglilihing buntis dyan sa kaartehan mo." tumawa ito ng makita ang inis niyang mukha.

"Hindi ka nakakatuwa Stan. Pupuntahan ko mamaya si Jenny. Anong magandang ibigay sa kanya."

"Dalhan mo ng milktea, burger at fries."

"That's unhealthy."

"Edi prutas na lang."

Naiinis na tumalikod siya rito at hinugot ang susi ng kotse niya sa bulsa. Pumasok na siya ng kotse at handa ng umalis ng tarantang kinatok nito ang bintana niya. Binaba naman niya nag bintana niya.

"Punta ka sa Black Bar may gig tayo mamaya."

"Hindi ako makakapunta. Kaya niyo na iyon." sabi niya rito at balak na sanang humarurot ng humarang sa daan si Stan.

"Hoy! Pumunta ka!" seryosong sabi nito habang nakakrus pa ang mga braso sa dibdib nito.

Nailing na lang siya sa pamimilit nito. Alam niyang hindi siya titigilan nito. Mabuti na lang at nakaisip agad siya ng paraan para mapaalis ito.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon