Chapter 3

14.5K 380 10
                                    


"ALAM mo Jenny, nagtatampo na ako sayo." Napahinto naman si Jenny sa pagsusulat at napatingin kay Yumi na nakanguso.

"Bakit naman?." Tanong niya habang pinapapatuloy ang pagsusulat.

"Di mo na kase ako sinasamahan eh."

"Sinasamahan saan?."

"Hayy! Sa pagshoshopping or foodtrip." Napatawa naman ng mahina si Jenny kaya naman inirapan siya ni Yumi.

"Samahan mo ako ngayon pagakatapos mo diyan sa pagsususulat."

"Ok, malapit ko na rin matapos ito." Sabi niya habang inaaral ang libro. Nagrequest kasi sa kanya kahapon ang kapatid kung pwede siyang tulungan sa assignment nito, kaya dito na siya gumawa ng assignment ng kapatid niya dahil mas maraming references dito sa library nila.

"Wow! Tulungan na kita para mabilis tayo." Excited na sabi ng kaibigan. Napailing iling na lang siya habang nakangiti, kung kanina pa sana siya nito tinulungan malamang kanina pa sila tapos.

"ANG ganda nong tela niya, bagay ba sa akin?." Napatingin naman siya kay Yumi na may hawak na damit.

"Sukatin mo para makita natin." Sabi niya.

"Ok, wait me here huh." Sabi ng kaibigan at mabilis na pumunta ng fitting room. Habang naghihintay ay tumingin tingin muna siya ng mga damit. Halos lahat naman ng damit dito ay magaganda pero lahat din naman ng damit dito ay mahal.

Napasimangot siya sa isipan. Pinapatuloy niya lang ang pagtingin ng mga damit ng madako ang tingin niya sa puting bestida, napakasimple ng desenyo pero napakaganda non sa paningin niya. Tinignan niya ang price tag nanlumo siya dahil sa sobrang mahal non. Kung kaya lang sana ng pera niya ay bibilhin niya ito para sa kanyang kapatid dahil malapit na itong maggraduate ng highschool at paniguradong magugustuhan ito ng kanyang kapatid. Hindi bale at may isang taon pa siya para mag-ipon.

"Type mo?." Napaigtad siya sa gulat dahil sa bilang pagtanong sa kanya ni Yumi sakanyang likod.

"Para sana sa kapatid ko." Sabi niya habang hinahawakan ang tela nito. "Oh san na yung damit na sinukat mo?." Tanong niya at humarap na kay Yumi.

"Maluwang eh, iba na lang wala na kase silang ibang size non."

"Sige bilisan mong mamili ng damit para makapasok na ako sa trabaho." Tumango naman ang kaibigan at nagumpisa ng mamili.
Binalik niya ang tingin sa bestida, tinatak niya sa isip niya na magiipon siya para bilhin yun sa graduation ng kapatid niya.

"ITO na yung huling sweldo mo." Sabi ng katrabaho niya sa coffee shop sabay bigay sa kanya ng sobre. Halos hingihingal pa siya dahil pilit siyang humahabol sa oras dahil baka late na siya pano kase itong si Yumi pagkatagal tagal mamili ng damit.

"Huh? Bakit?." Tanong niya at tinanggap ang sobre.

"Magsasara na kase itong shop eh, di ko naman din alam kung anong rason ng may-ari." Napakamot pa sa batok ang katrabaho niyang lalaki. "Yan na daw yung huling sweldo natin." Nagbaba siya ng tingin sa sobre na may laman na pera, nalulungkot siya dahil wala pa siyang isang linggong nagtrabaho dito pero heto at magsasara na ang shop.

"Sige po kuya. salamat." Sabi niya at tumalikod na.

Ano pa bang gagawin niya kundi maghanap ng panibagong trabaho. Pero saan nga ba siya makakahanap na naman ngayon, hinugot niya ang lumang cellphone niya sa bulsa at tinignan ang oras. Halos magfi-five o'clock na pala ng hapon

Ipagbubukas na lang siguro niya ang paghahanap dahil malapit ng magdilim.

Magtutuloy tuloy na sana siyang maglakad ng madako ang tingin niya sa ma-edad na babaeng maraming bitbit at mukhang nahihirapang tumawid. Agad siyang tumakbo para malapitan ang babae.

"Tulungan ko na po kayo." Sabi niya sa babae, ngumiti naman ito sa kanya kaya binitbit na niya ang ibang dala nito.

"Tawagan ko na po ba kayo ng taxi?." Tanong niya sa rito.

"Naku hindi na hija, may susundo naman na sa akin..kaso kailangan pa nating maglakad ng konte para marating yun." Agad naman siyang tumango at naglakad na sila.

"Halos magdidilim na, bakit di ka pa umuwi?." Tanong sa kanya.

"Naghahanap po kase ako ng trabaho."

"trabaho?." Tumango tango naman siya.

"Tawid na tayo hija, andyan na yung sasakyan." Tumawid sila at naglakad papunta sa puting kotse. May lalake naman na tumulong sa kanila para ilagay ang mga dala sa likod ng kotse.

"Sumama ka sa akin, kung naghahanap ka ng trabaho."

..

"Ayos na tayo sa schedule mo huh." Paliwanag ng mayordoma.

Ang babaeng tinulungan niya kanina lang ay siya ring mayordoma ng mansion na kinaroroonan nila ngayon. At dahil umalis na ang isa sa mga kasambahay sa mansion ay inaya na sa kanya nito ang bakanteng posisyon.

Mabilis siyang pumayag dahil napakaganda ng offer dito bilang katulong, tutal naman napagkasunduan naman na nila ang oras ng trabaho niya.

"Sa ngayon umakyat ka sa second floor at linisin ang kwarto ng señiorito, bago pa siya makauwi." Tumango tango naman siya at tinanggap ang mga kagamitang panglinis.

Agad niyang tinungo ang daan patungong hagdan at umakyat sa ikalawang palapag. Di niya maiwasang purihin ang napakaperpektong disenyo ng bahay, magmula sa ganda ng living room na tanaw sa second floor, pati na rin ang garden na punong-puno ng mga magagandang bulaklak na nadaanan nila kanina at shempre ang kusina nila na kompleto sa lahat ng kagamitan kung saan sila nanggaling kanina.

Napailing-iling na lang siya dahil ganitong bahay din ang pinapangarap niyang mabuo para sa pamilya niya. Well, kahit naman siguro mahirap ay pwede namang mangarap tsaka nagsisikap naman siyang mag-aral ng mabuti sa kurong medisina. Di naman problema ang pag-aaral niya sa unibersidad dahil scholar siya doon.

Binuksan niya ang nasabing kwarto. Halos malaglag ang kanyang panga dahil sa linis at ganda rin ng kwarto. Black and white lang halos ang kulay namakikita mo talagang masasabi mong lalaki talaga ang nasa kwarto na ito. Malaki ang kama na nakaka-engganyong humiga, sa tapat naman ng kama ay may nakadikit na malaking flat screen tv sa pader, may couch din doon at coffee table, may personal ref din doon. Di na niya inisa-isa pa ang mga gamit sa kwarto dahil di ata siya matatapos pa kung papansinin niya pa ang mga ito.

Napabuntong-hininga si Jenny. Ano nga ba ang lilinisin niya kung ganito naman kalinis ang kwartong ito. Sinipat niya rin ang loob ng CR pero malinis din naman lahat doon katulad din ng inaasahan kompleto rin doon.

Sinilip niya ang relong pangbisig at napagalamang halos magse seven na ng gabi.

Lalabas na sana si Jenny para magtanong ng pwede pang gawin nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang gwapong lalaki na may magandang katawan na mahahalata mo pa rin kahit na nakasuot lang ito ng v-neck na dark blue at jeans, ang lalaking may matangos na ilong, mamulamulang labi at may asul na mata. Napapikit ng mariin si Jenny bago muling buklatin ang mata.

Confirmed! Si Luke Andrew nga!

Nanlaki rin ang mata ng lalaki ng mapansin siya.

"Jenny?." di makapaniwalang ani nito. "What are you doing here?."

Nang makahuma sa gulat si Jenny ay sinagot niya si Andrew.

"Nagtatrabaho ako dito."

..

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon