Chapter 7

12.5K 324 19
                                    

"Jenny hija, sa kwarto ka ni sir Andrew maglinis." nahinto siya sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng marinig niya ang utos ng mayordoma.

"Po?." nagtaka tuloy siya dahil tuwing siya dapat ang maglilinis doon ay lagi naman niya iyon na nadadatnan na malinis.

"Sige na hija. Tapos hatiran mo na rin siya ng meryenda sa kwarto." dagdag pa nito bago kinuha sa kanya ang hawak na hose. Matatanong pa sana ulit siya ng makitang abala na ito sa pagdidilig.

Sabado ngayon kaya wala siyang pasok, bukas naman ang day-off niya. Hiling niya lang na may pasok o kaya naman may lakad si Andrew ngayon para hindi niya ito madatnan sa kwarto nito. Ngunit mukhang bigo siya ngayon.

Dala niya sa tray ang hinanda niyang egg sandwich, fries at melon juice na paborito daw na pinapahanda ni Andrew para sa meryenda nito.

Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pihitin pabukas ang pinto.

Nasurpresa siya sa nadatnang itsura ng kwarto. Napakakalat. Magulo ang pagkakalagay ng ilan pang mga gamit. Kahit ang kama nito ay nagkalat din ang mga gadgets at mga libro.

"Perfect timing. Ilagay mo na dito." napalingon siya rito. Nakatalikod ito sa kanya. Hubad-baro pa ito. Nakaupo sa leather couch nito at busy sa paglalaro ng video game.

Tumalima naman agad siya at nilapag sa center table ang meryenda nito.

"Subuan mo ako ng fries." hindi tumitinging utos nito sa kanya. Sige pa rin ito tumitigil sa pagkalikot sa controller nito.

Kunot noo na binalingan niya ito.

"Come on, Jenny." demanding na utos nito.

Lihim siyang umirap bago kumuha ng fries at sinubo rito. Umisa pa ito at pinagbigyan naman niya. Sa kakademand nito ng tiga-subo ay naupo na lang siya sa tabi nito. Pero napapansin niya na parang nanadya na itong isama ang dulo ng daliri niya sa bawat kain nito. Mukhang kasama ang mga daliri niya sa meryenda nito.

"Naku, kakatapos ko lang palang magbrush ng kubeta." parinig niya rito na wala naman katotoohanan.

Kanda ubo-ubo ito dahil sa sinabi niya. Nasamid ata ang manyak. Nabitawan pa nito ang controller. At aligagang abutin ang inumin. Mabilis naman niya itong inabutan ng panulak. Binayo bayo pa nito ang dibdib habang umiinom.

"Don't scare me like that!." angil nito sa kanya.

Matalim niya itong tinignan.
"Edi lumabas din yang motibo mo." naiinis na pinulot niya ang controller at pinangpalo ito sa braso. Tumayo siya at lumayo rito.

Inumpisahan na lang niyang magligpit ng kalat nito.

"Shit! Bakit ayaw ng gumana." napalingon naman siya sa ginagawa nito.

Pinagpipindot nito ang controller pero mukhang walang epekto sa laro. Hindi pa rin gumagalaw ang characters ng game.

Nangunot tuloy ang noo niya. Iyon ang pinangpalo niya rito kanina at hindi na raw ito gumagana. Pinagpawisan tuloy siya ng malapot.

"Anong nangyari?." nilapitan niya ito umaasang nagbibiro na naman ito.

Pero sinalubong lang siya ng seryoso nitong mukha.

"Look what you've done! Hindi na siya gumagana." sisi nito sa kanya.

Inagaw niya rito ang controller at siya ang gumamit pero totoo nga ang sinabi nito.. hindi na nga gumagana.

"Kung hindi mo pinalo sa akin yan, hindi yan masisira." paninisi pa ulit nito sa kanya.

"It is a limited edition. Saan ako maghahanap ng ganyan ngayon?." pinagkrus pa nito ang mga braso at seryosong seryoso ang mukha nito.

Nagsimula siyang kabahan. Kung nasira niya nga ito ay paano niya ito mapapalitan.

"Pwede pa naman siguro itong i-pagawa?." kinakabahang tanong niya rito pero inilingan lang siya nito.

"Bagong labas lang yan sa market. At sa ibang bansa ko pa inorder yan. Paano mo 'yan mapapalitan?." nanghahamon nitong sabi.

Kahit nanlalamig ang kamay ay inagaw niya ulit ang controller dito at nagmamadaling lumabas. Makakahanap pa naman siguro siya ng makakaayos nito. Sana nga lang at nagsisinungaling lang ang lalaking iyon.

..

"Tama ka. Wala akong nahanap na pwedeng mag-ayos nito." nakatungong inabot ni Jenny ang sirang controller. Inabot na siya ng gabi ng makabalik sa mansion. Sa tagal ng oras na nawala siya ay wala rin siyang napala.

"Magkano ba 'yan?... b-babayaran ko na lang." tanong niya rito.

Tumaas ang sulok ng mapupula nitong labi. Para siya nitong tinutuya sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya.

"You are so gullible." tinawanan siya nito.

"Hindi ito sira. Nakadisconnect lang ito." ni-demonstrate naman ito ni Andrew. At kitang kita nga niya kung paano gumana ulit ang mga iyon.

Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman pala ito sira. Hindi na niya kailangan na ipaayos iyon o palitan iyon dahil hindi naman pala ito sira sa umpisa palang...

Nang ma-realise niya iyon ay mabilis niyang sinampal si Andrew. Agad napalis ang ngisi sa mga labi nito.

"Ang sama mo! Ang sama sama mo!" pinagsusuntok niya ito sa dibdib.

"Hindi mo ba alam ang kaba at pagod ko ng dahil sa kalokohan mo!" nauwi na sa iyak ang kaninang galit niya.

"Napaka sama mo! Ayoko sayo! Ayoko sayo!."

"Ganyan mo ba paglaruan ang mga taong tulad ko! Napakayabang mo!." natulala naman ang binata dahil sa naging reaksyon ng dalaga. Mukhang nasobrahan nga ang ginawa niya. Alam niyang nagkamali siya sa parteng iyon. Nasaktan niya ito. Minaliit. At niloko ito.

"Sorry." sinubukan niya itong patahanin pero mabilis siya nitong itinulak at dumeretso ng labas sa kwarto niya.

Hindi na niya tinangkang sundan pa ito.

Bigla tuloy ang sundot sa kanya ng konsensya. Napahilot na lang siya sa sentido. Hindi niya alam kung paano pahuhupain ang galit nito na siya naman ang may gawa.

Mukhang siya rin ata ang maglilinis ng mga kalat na gawa niya. Panigurado kaseng nagpapahinga na ang mga katulong nila. Kinarma ata siya dahil sa masama niyang plano. Sa huli ay hindi rin pala papabor sa kanya ang pagkakataon.

Huminga siya ng malalim bago sinimulang ligpitin ang kalat sa kwarto niya. Hanggang sa mapansin niya ang keychain sa sahig. Pinulot niya ito. Hindi kanya ang keychain na ito kaya nasisiguro niyang kay Jenny ito. Nalaglag siguro ng dalaga ang keychain ng magwalkout ito sa kanya.

Pinakatitigan niya ang keychain. Saka siya napangiti. Ang design kase ng keychain ay si street fighter Ryu, ito ang character na nilalaro niya kanina. At mukhang binili ito ng dalaga para sana gawing peace offering sa kanya o kaya pansamantalang pamalit sa nasira nitong controller.

..

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon