Late Comer

134 1 1
                                    

#Dagli


Naglalakad ako papasok ng eskuwelahan, madaling-madali na ako. Tiningnan ko ang suot kong relong pambisig. Limang minuto na lang at mag-uumpisa na ang klase nang may naalala akong nakalimutan kong dalhin. Napamura na lang ako sa isip ko.


Iniisip ko na kung babalik ako sa bahay, sampong minuto ang gugugulin ako at mahuhuli na ako sa klase. Pero importante ang naiwan ko.... at napagdesisyunan kong bumalik.


Humahangos akong nakarating sa klase. Bakit ang tahimik ng lahat? Hindi pa nag-uumpisa ang klase? Limang minuto pa lang akong nahuhuli ah?




Sumilip ako sa may pintuan.





"Magandang umaga po, Ma'am!" ang bati ng mga estudyante sa akin.
Napangiti ako. Nandun pala sila, tahimik na naghihintay sa akin

"Magandang umaga rin sa inyo, maupo na kayo at simulan na natin ang lesson."

HIRAYA AT PLUMA: Koleksyon ng mga Dagli at Maikling KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon