Chapter 1

2.7K 62 13
                                    



...      

PROLOGUE  

3000 BC...Sa isang lugar sa Egypt na tinawag na Horeb.

May isang tagong yungib sa ilalim ng lupa na puno ng kayamanan ang nadiskubre ng isang angkan.Sila ay nagbunyi nang kanila itong natagpuan at wala silang malang gawin sa paghakot ng mga kayamanan sa loob nito.Ngunit lingid sa kanilang kaalamanan ay pinamumugaran ito ng mga Anubis.(ito ay kalahati  tao at kalahati ay halimaw) Tahimik na namumuhay ang mga Anubis sa pinaka ilalim ng lupa na tinawag na under world. At sila ay aksidenteng nagulantang, sila ay biglang nagsulputan sa loob ng yungib at humarap sa mga taong nagtatangkang nakawin ang mga kayamanan.Nang nakita nila ang mga nagsusulputang mga Anubis ay di sila nakapanglaban dahil sa sobrang takot at kawalang pag-asang magwagi laban sa mga Anubis. At hinintay na lamang nila ang kanilang kamatayan.Ngunit, may isang lalaki ang bukod tanging lumaban, ito ay nangangalang Ammon. At napabagsak ni Ammon ang mga Anubis gamit ang sandatang hawak niya. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay may naglabasan muli na mga Anubis at parami ito ng parami. At doon ay sinabihan sila ni Ammon na kailangan na nilang tumakas. Nagsipag takasan ang kaniyang mga kasama at naiwan si Ammon at nagkubli dahil nakita niyang sumulpot ang pinaka pinuno na may suot na isang Amulet Pendant, at naintindihan niya ang sinabi nitong sasakupin nila ang buong syudad ng Horeb. Tumakas si Ammon at nagbalik sa syudad ng Horeb upang sabihan ang mga tao na kailangan na nilang lisanin ang lugar dahil sasakupin ito ng mga Anubis.Ngunit ilan lang ang naniwala at sumunod sa kanya.Nilisan ni Ammon ang Horeb kasama ng ilan sa kaniyang angkan. At naganap ang pagsakop ng mga Anubis sa syudad ng Horeb, at sila ay naghasik ng lagim.Kanilang pinagpapaslang ang lahat ng tao sa syudad na iyon.At nang wala ng taong natira ay ang mga Anubis ang umukupa ng buong syudad at tinawag itong The City of the Anubis.Ang sinumang taong maligaw sa lugar ay pinapatay ng mga ito. At may mga panahon na sila ay lumalabas ng syudad para pumatay.

Samantala...... nahuli naman si Ammon ng mga tauhan ng isang kaharian na pinamumunuan ng isang Pharoa, hinuli ito dahil nalaman na siya ang naging dahilan kaya nakalabas ang mga Anubis. Ibinilanggo nila si Ammon at inalipin gaya ng mga preso na matagal ng nakakulong sa slave area ng kaharian ng Pharoa. Isang araw ay nagtangkang tumakas ni Ammon, ngunit sa kasawiang palad, siya ay nahuli ng mga alagad ng Pharoa. At bilang kaparusahan ay pinatapon siya sa isang disyerto na tinawag na Desert of Death. Nag-iisa si Ammon sa gitna ng mainit na disyerto ng wala man lang kahit isang patak ng tubig at makakain, at kaniyang naramdaman na hindi na sya mabubuhay sa lugar na iyon. Hinihintay na lamang ni Ammon ang kaniyang kahihinatnan.Ngunit sa kaniyang paglalakad ay may nakita siyang kumikinang na bagay na nakalitaw sa buhangin.

At kaniya itong nilapitan at kaniyang pinulot.Minasdan niya itong mabuti, at ito ay isang golden plate.May nakaukit dito na mga symbolo.At nagkataon na may kakayahan siyang basahin ang naka ukit na simbolo nito.  Kaniyang sinalat ang Golden Plate at binasa ang unang simbolo.At sa di inaasahang pangyayari ay biglang dumating ang Hari ng mga Anubis.Nalaman niyang ito ang Pinuno dahil sa suot nitong Amulet Pendant. At laking gulat ni Ammon nang ito ay lumuhod sa kaniya at sya ay sinamba.

At doon napagtanto ni Ammon na makokontrol at mauutusan niya ito sa pamamagitan sa pagbasa at pagsalat ng golden plate.

"Dalhin mo ako sa Horeb! Sa City of The Anubis!" utos ni Ammon.

"Ngayon din Bathala!" magalang na wika ng Anubis...At sa isang iglap ay natagpuan ni Ammon ang sarili sa harapan ng di mabilang na mga army na Anubis at nagsiluhuran sa kaniya at sinamba ng mga ito.Di makapaniwala si Ammon sa bagong natuklasang taglay na kapangyarihan.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon