Chapter 2

1.2K 46 7
                                    

Naalala ni Haley nung sya ay 12 anyos pa lamang...

FLASHBACK      

Namasyal silang pamilya sa isang amusement park malapit sa kanilang lugar, habang nag eenjoy silang pamilya ay may isang Palaro ang nakatawag pansin sa kanila.

"Sali na kayo!"

Sabi ng isang lalaking nakasuot na costume na magician.

"Yung mga batang may gustong sumali pumunta lang dito!" patuloy na sabi nito.

Naglapitan ang mga bata.

"Kailangan ko ng tatlong batang babae at tatlong batang lalaki upang makapag laro dito, at ang mananalo ay bibigyan ng premyo, ang premyo ay ang malaking stuff toy na ito at hindi lang yan, ang mananalo ay ang makakakuha ng magic amulet na galing ng egypt!"

Tuwang tuwa ang mga bata at lahat ay gustong sumali.

"Dad sasali ako." Sabi ni Haley.

"O sige anak sumali ka na!"

Nagtaas si Haley ng kamay habang namimili ang magician ng ilalahok sa palaro. Napatingin sa kanya ang magician at tinawag sya nito.

"Yung batang naka pula halika dito at isa ka sa napili ko!"

Masaya si Haley at nagpunta sa harapan ng palaro, at nang nakumpleto na ang mag lalaro ay inumpisahan na ang paligsahan.

"Mga bata ang laro natin ay unahang makabukas ng mga kahon na yan, isa sa mga kahon na yan ang naglalaman ng magic amulet, ang makakakuha ng magic amulet ay sya ang panalo.

"Naiintindihan nyo ba?!" Masiglang sabi ng Magician.

"Opo!" Sigawan ng mga batang kasali.

At nag umpisa ang palaro.

"Ready get set go!"

Nag unahan ang mga bata sa pagkuha ng susi sa magician at isa isa nilang binubuksan ang kahon.Makalipas ang ilang minuto ay si Haley ang nagwagi kahit paika-ika syang maglakad.

"Congratulations, ikaw ang nanalo!" Masayang sabi ng Magician.

At binigay kay Haley ang isang malaking stuffed toy at ang amulet pendant.

May mga batang nag iyakan dahil gusto rin nila ng magic amulet pendant.Kung kaya't may kinuha sa bulsa ang Magician. "Mga bata, huwag na kayong umiyak.Marami pa ako niyan," wika ng magician at pinakita sa mga bata na marami pa syang hawak nito na iba ibang disenyo at nagpalaro syang muli. Samantala...Habang naglalakad ay masayang masaya si Haley, pinag mamasdan nya ang pendant habang hawak ng kanyang inang si Lucy ang malaking stuff toy.

"Ang galing ng anak ko ah, ang ganda ng stuff toy na to ang laki laki."

sabi ng kanyang ina.

"Pero, mas gusto ko itong pendant na ito, ano kaya ang ibig sabihin ng mga simbolo na nakaukit dito?"

"Ah, e di hanapin mo sa internet!" sabi ni Kyle,

"Anak, huwag ka nga mag aksaya ng oras para lang dyan, laruan lang yan okay?"

"Pero sabi ng magician may magic daw ito eh,"

"Ay naku anak, syempre sasabihin niya yun para matuwa kayong mga bata," sabi ni Lucy.

"Oo nga naman anak, katuwaan lang yan kaya sinabi yan ng magician," sabi naman ni James-

Maya maya ay biglang tumakbo si Haley.

"Haley anak saan ka pupunta?!" Sabi ng kanyang amang si James.

"May itatanong lang po ako sa magician."

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon