Chapter 5

1K 46 7
                                    

Matapos nilang maghapunan ay nagpunta silang lahat sa indoor pool.

May mga scented candle na nakasindi sa bawat paligid nito, at sa isang lamesa ay may mga bote ng wine, prutas at mga finger foods na nakalagay sa magagandang mga bowl.

Kumuha agad ng mga baso si Oliver at Kyle, at sinalinan ng mga alak. 

"Para sa pamilya Robertson! mag enjoy tayong lahat Salute!"

Sabi ni Allen at sabay-sabay nilang iniangat ang kanilang mga baso!

"Salute!!" sambit ng lahat.

Nag dive sa swimming pool sina Kyle at Oliver kasama ng kanilang mga kasintahan, si Chloe ay nagpunta na rin ng swimming pool.Si Haley ay umupo sa beach chair, naka bath robe lang sya at nahihiya nyang tanggalin dahil nakatingin si Kaizar sa kanya.

"Anak ano pa hinihintay mo mag swimming na tayo!" sabi ni Lucy at sumuong ito sa swimming pool kasama ni James, masaya silang lahat sa swimming pool habang umiinom ng wine.

Nasa paligid nila ang mga katiwala at nakatayo na parang mga guwardiya habang nag hihintay ng kanilang mga iuutos, isa na dito si Kaizar.

"Nakakaawa naman talaga si Haley, tingnan nyo tingin sya ng tingin kay Kaizar, sa tingin nyo ba magugustuhan sya nun?" Sabi ni Lenna.

"Oo nga eh, pero kung di sya siguro pilay maybe?" Sabi naman ni Jazzi.

...

Hinubad ni Haley ang kanyang robe,nakasuot sya ng two piece na kulay pulang swimsuit , maganda ang hubog ng katawan ni Haley kahit pilay ito. At sumuong na din sa pool, napansin ni Haley na nakatitig parin sa kanya si Kaizar.

"Haley halika dito!" Sabi ni Jazzi sa kanya.At naki join sya sa mga babae.

"Crush mo ba si Kaizar? tingin sya ng tingin sayo o." Nakangiting sabi ni Jazzi.

"Naku hindi," sabi naman ni Haley.

"Alam nyo kahit katiwala lang si Kaizar dito, kapag ako ang nagustuhan nya ay sasagutin ko agad sya, kahit tutol ang daddy ko hahaha!" Nagbibirong sabi naman ni Chloe.

Naglapitan sila Kyle at Oliver.

"Uy ano pinag uusapan nyo ha?" Sabi ni Oliver habang papalapit sa kanila.

"Yung Egyptian na naman ba pinag uusapan ninyo?" Sabi naman ni Kyle.

"Ikaw naman nag selos agad, pinag uusapan lang namin para kay Haley!" Sabi ni Jazzi.

Maya-maya ay umahon si Haley at sinuot nya ulit ang kanyang robe.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chloe.

"Sa CR lang." Sabi ni Haley.

At lumabas sya ng indoor pool para pumunta ng cr, habang nasa hall way sya ay sinundan sya ni Kaizar. Habang naglalakad si Haley ay narining nyang may tumawag sa kanyang pangalan,

"Ms. Haley?"

Napalingon si Haley at nakita nya si Kaizar, nakangiti ito sa kanya. Habang tinitingnan nya ang mukha ni Kaizar at ang matipunong tindig nito ay nakakaramdam si Haley na imposible syang magustuhan nito.Naisip nya na ni minsan ay walang lalaking nagka interes sa kanya. Naisip ni Haley na trabaho ito ni Kaizar ang pagsilbi bihan ang kanilang mga guest.

Bahagya na lamang nyang nginitian ito at tinalikuran na nya.
"Ms.!" tawag ni Kaizar at biglang napalingon si Haley.
At sa kanyang paglingon ay biglang nagtama ang kanilang mga mata at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang naglapat ang kanilang mga labi at nagkahalikan sila, napapikit si Haley habang hinahalikan sya ni Kaizar.Ngayon lamang siya nakaranas ng ganoong klase ng halik.Hindi nya mawari kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman nya para dito.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon