Chapter 3

1K 43 6
                                    

Kinabukasan ay dumating sa kanilang bahay ang kapatid ni James na si Allen kasama ang asawa nito na si Eleanor at ang anak nyang si Oliver na kasing edad ni Kyle at ang anak na babae na si Chloe na kasing edad naman ni Haley. May dala-dala silang mga pizza.  

"James, sigurado na ba vacation natin?" sabi ng kapatid nyang si Allen.

"Oo naman kuya Allen, naka reserved na tayo."

"Yes, sa wakas makakarating na tayo ng Egypt!"

Pinag-saluhan ng dawalang pamilya ang Pizza sa kanilang backyard.

...

Sumunod na araw, huling araw sa school ni Haley bago ang summer vacation.

Naglalakad sa campus si Haley at Macy at nakita nila si Ethan kasama ang bagong girlfriend nito.At nilapitan si Haley ng babae.

"Ikaw ba si Haley?" sabi ng babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Hindi kumikibo si Haley.

"Ano ang nagustuhan sayo ni Ethan? isa ka palang pilay, haha pilay!"

Maya maya ay nagkumpulan na ang mga estudyante at pinalibutan si Haley at tinukso, pinagtatawanan at kinukutya.

"Kawawa naman pilay haha pilay tingnan nyo oh!" Paulit-ulit na sinasabi sa kanya.

Nakayuko lamang si Haley, nasanay na syang ganunin ng mga schoolmate nya.

"Tama na nga kayo! Tigilan nyo na si Haley wala syang ginagawang masama sa inyo!"

Pagtatanggol na sabi naman ni Macy.

"Eh malandi yang pilay na yan eh, ambisyosa! akala mo gusto ka ni Ethan ano? hahaha!

ambisyosa ka!" Sabi ng girlfriend ni Ethan.

Nakangisi lang si Ethan habang tinutukso si Haley ng mga schoolmate.

"Halika na Haley!" Sabi ni Macy at hinawakan nya si Haley.

"Tahan na Haley, may araw din ang mga yon."

"Ok lang ako Macy,"

"Huwag mo na silang pansinin, buti na lang at bakasyon na bukas, pansamantalang di natin makikita mga pagmumukha nila."
...
Makalipas ang isang Linggo ay nag hahanda na sila sa kanilang pag alis, nasa kani kanila silang silid. "Lucy baka may makalimutan ka, nandito na ba yung mga pantulog ko at yung first aid kit?"

"Oo kumpleto na,"

Kinuha ni James ang mga maleta at ibinaba na nya ang kanilang mga dadalhin.

Samantala si Haley ay nag tatali na ng kanyang mga buhok, pag tapos nyang mag tali ay biglang pumasok si Kyle.

"Haley, sabi ng Mama, hinahanap mo raw ito?" Wika ni Kyle hawak ang amulet pendant.

Di makapaniwala si Haley nang nakita nya ito.

"At bakit napunta sayo yan Kuya? kaya naman pala nawawala,"

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon