Chapter 12

764 33 3
                                    

Habang nakapikit sila ni Kaizar na magkayakap ay napadilat ng mata si Kaizar at .........

Laking gulat niya nang nakita ang suot na amulet pendant ni Haley na lumitaw sa kanyang suot na blouse.

"Haley ang Amulet pendant?'

"Ano?" Napadilat na sabi ni Haley at napahawak sya sa kanyang suot na kuwintas.

Hinawakan ni Kaizar ang pendant at kaniya itong sinalat at dagling nag orasyon, at kanyang binasa ang naka ukit na simbolo nito.

"Teksira Kasidir Umuyami..." Malumanay na sambit ni Kaizar habang sinasalat ang amulet.

Ngunit patuloy pa din ang paglapit ng mga Anubis...

Naisip ni Haley na baka napagkamalan lang ni Kaizar na totoo ito, ang pagkaka alam ni Haley ay laruan lamang iyon.

"Teksira kasidir umiyami," ulit na wika ni Kaizar.

"Teksira kasidir umiyami,Teksira kasidi umiyami!" Paulit-ulit na wika ni Kaizar.

Samantala.....biglang nahinto ang pag o orasyon ni Abayomi.

Nalito ito sa kanyang ginagawa, nagtataka sya kung bakit hindi na nya magawa ang orasyon, pilit nyang inuulit ito ngunit hindi na ito umepekto.

.............

Patuloy pa ding sinasambit ni Kaizar ang magic word habang sinasalat ang Amulet pendant na suot ni Haley.At isang hibla na lamang ay makakalapit na ang mga Anubis.

At biglang......................sa isang iglap ay sabay-sabay hinigop sa ilalim ng lupa ang mga Anubis.At nawala ang mga ito na parang bula.Namangha si Haley sa kanyang nasaksihan.

Nang nawala ang mga Anubis ay nag yakapan sila ni Kaizar.

"Ano ang nangyari?"

"Dahil sa Amulet pendant! Di ko akalain na ikaw ang nagmamay hawak nito!" wika ni Kaizar at kaniyang hinalikan si Haley sa labi.Di makapaniwala si Haley sa mga nangyari,

...........

Samantala...Nagwawala si Abayomi nang nawalan na ng talab ang golden plate.AT siya ay nagtataka kung bakit.

...........

Samantala... nasa daan pa din ang pamilya ni Haley, at nakaramdam sila na ligtas na sila, nakatulala pa din silang lahat.

"James , papano na si Haley huhuhu!" Naka tahimik lamang ang lahat habang lahat sila ay tuliro sa mga nangyari. Walang masabi si James habang nagmamaneho.

...........

Bumalik sila Haley at Kaizar sa castle house.Babalikan nila si Abayomi para makuha ni Kaizar ang Golden Plate, at sa kanilang pag balik ay nakita nila si Abayomi. Nakatingin ito ng masama sa kanila.

"Mga walang hiya kayo! Kaizar pinagtaksilan mo ako!"

Nang nakita ni Abayomi si Haley ay biglang kinuha nito ang patalim sa loob ng suot nyang damit at sinugod si Haley. At nang malapit na nyang masaksak si Haley ay biglang naiharang ni Kaizar ang kaniyang katawan kay Haley at sya ang nasaksak ni Abayomi.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon