Chapter 10

1K 38 3
                                    

Halina kayo sumakay na tayo sa van!" Nagmamadaling sabi ni Allen nang kaniyang nabuksan ang pinto ng Van.

Hinatak ni Kyle si Haley, at pilit na isinakay sa loob ng van,pag kasakay nilang lahat ng van ay di naman malaman ni James kung papano ito patatakbuhin dahil wala sa kanya ang susi.

Lumapit si Oliver at may ginawa ito upang mapatakbo ang van, at nang bumukas ang makina ay pina andar agad ito ni James.Labis na nag-aalala si Haley para kay Kaizar.

Makalipas ang ilang minuto ng pagmamaneho ay di na nakapagpigil si Haley.

"Dad! ihinto mo ang van!"

"Ano? hindi maaari kailangan na nating umalis!" Sabi ni James habang nagmamadaling magmaneho.

"Bakit Haley?ano ang nangyayari sayo? are you out of your mind?" galit na sabi ni Kyle.

"Kailangan kong balikan si Kaizar!"

"Bakit? ano mo ba siya?, Dad bilisan mo mag maneho, kailangan na nating maka alis sa
lugar na ito!" Sabi ni Kyle at kaniyang niyakap ang kasintahan.

"Ano nangyayari sayo Haley?" nagtatakang sabi naman ni Lucy.

"Niligtas tayo ni Kaizar di natin dapat sya iniwan!"

"Oo, pero wala na tayong magagawa anak, pati tayo ay mamamatay!"

"Kapag bumalik tayo ano mangyayari sa atin? Ano ang magagawa natin?"
Sabi ni Allen.

"Ano bang klaseng nilalang ang mga iyon?" naguguluhang tanong ni Oliver.

"Sila ay tinatawag na Anubis." sabi ni Haley.

"May napanood ako na movie tungkol sa Anubis sa Egypt, kagaya ng nakita nating mga nilalang kanina, pero kathang isip lang ang mga Anubis hindi sila totoo!" Sabi ni Kyle.

"Pero sa nakita natin kanina ay totoo nga ang Anubis!" Sabi naman ni Oliver.

"Nakakatakot my gosh!" Kinikilabutang sabi ni Jazzi.

Nakatahimik lamang si Haley habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Katabi nya si Chloe at hinagod ang kanyang likuran.

"Haley kalimutan mo na sya, kaligtasan natin ang mahalaga,"

Hindi kumikibo si Haley at patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.

"Hindi ko akalain na may ganoong uri ng nilalang sa Castle House na yun! Bakit naging tourist spot yun kung ganon naman pala!" Sabi ng Tito Allen.

"Wala naman nababalita na may ganyang nangyayari sa Castle House, marami ang nagpapareserve doon!" Sabi naman ni James habang nag mamaneho.

"Bilisan mo James baka may sumulpot na Anubis dito huhu!" Kinakabahan na sabi ni Lucy.Nakatahimik lamang si Haley habang umiiyak.

Hindi nya kayang mawala si Kaizar, gusto nyang sumama dito kahit ano mangyari.

Maya maya ay napadaan sila sa gilid ng disyerto at mabato ang nadaanan nilang kalsada kaya medyo bumagal ang takbo ng kanyang ama, kanina pa tinitingnan ni Haley ang pintuan ng van.At nang sya ay naka tyempo, ay bigla nyang binuksan ito at sya ay tumalon.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Haley.

"James ihinto mo ang van!" sigaw ni Lucy.

Ngunit patuloy pa din si James sa pagmamaneho hindi nya alam na tumalon si Haley.

Pag katalon ni Haley ay nagpagulong-gulong ito sa buhanginan.At nang huminto sa paggulong ay pilit niyang tumayo at tumakbo pabalik ng castle house.Kahit nahihirapan dahil sa paika-ika nitong paglalakad ay pinilit niyang kinayang makabalik doon.

Samantala...nang nalaman ng kaniyang amang si James na tumakon si Haley ay agad niyang ipinireno ang Van.Bumaba sila ni Kyle at nakita nila si Haley na bumabalik sa castle house, hinabol nila si Haley.

"Haley bumalik ka dito!" Hingal na sabi ni James.

Ngunit malayu-layo na si Haley.

"Hayaan na natin sya, kailangan na nating makaalis!" hiyaw ni Eleanor habang nakadungaw sa bintana ng van ito.

"Hindi ko maaaring pabayaan ang anak ko!" Galit na sabi ni James at nagpatuloy nilang
habulin si Haley.

Ngunit ilang sandali lang ay may nakita silang sumulpot na isang Anubis, at dahil dito ay napahinto sila sa paghabol kay Haley.

"Dad!ano gagawin natin?" Takot na sabi ni Kyle,

"Papano si Haley? kailangan natin syang maligtas!" Naguguluhang sabi ni James.

"James umalis na tayo lumalapit na ang anubis mamatay tayong lahat!" Sinisigaw na sabi ni Allen.Nang nakita nilang papalapit na ang Anubis sa kanila ay napaatras si James at Kyle at mabilis silang bumalik ng van at napilitang paandarin ni James.

"Haley anak ko!" Nag iiyak na sabi ni Lucy.

...

Samantala... habang binabalikan ni Haley ang castle house ay may nakasalubong syang Anubis, natakot si Haley naisip nyang ito na ang kanyang katapusan.Ngunit bigla na lamang dumating si Kaizar at napugutan nya ng ulo ito, niyakap ni Kaizar si Haley.

"Kaizar!" Sabi ni Haley nang nakita nya si Kaizar at niyakap nya ito ng mahigpit.

"Bakit ka bumalik dito Haley, delikado!"

Maya maya pa'y may mga panibagong nagsusulputan na naman.At buong tapang na nilabanan niyang muli ang mga ito hanggang sa napatay niya ang mga ito. At nang napatay nya ang huling Anubis ay bumagsak si Kaizar sa lupa sa sobrang pagod.

"Kaizar!" Niyakap nya ito.

"Bakit bumalik ka pa?, umalis ka na dito, mapanganib, marami pa sila Haley, iwan mo na ako dito umalis ka na!"

"Hindi kita iiwan Kaizar, sumama ka na sa akin umalis na tayo!" Niyakap ni Haley si Kaizar.

"Pero wala ng oras, sisikat na ang araw darating na sila, maraming marami sila!"
Nanghihinang sabi ni Kaizar.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon