Chapter 8

957 39 4
                                    

Inilagay ni Abayomi ang kahon sa isang lamesa at kaniyang binuksan, at nilalaman nito ang golden plate na may mga nakaukit na mga simbolo.Kinuha ito ni Abayomi at kanyang hinawakan, at binasa nya ang nakasulat na simbolo at matapos itong basahin ay nag umpisa itong mag-orasyon habang sinasalat ang Golden Plate.

Maya maya pa'y biglang gumalaw ang lupa sa tabi ng lake.......

..........Habang nagyayakapan si Kaizar at Haley ay naramdaman ni Kaizar ang paggalaw ng lupa...

.................

Samantala...sa tabi ng lake ay bahagyang yumanig ang lupa nito at maya-maya pa'y......may sumusulpot na isang nilalang na galing sa ilalim ng lupa, hangga't naka ahon ito at ..... matipunong tumayo. Anyo ito ng isang maitim at matipuno na taong lalaki,ngunit ang mga paa at kamay at ulo nito ay katulad ng isang mabangis na hayop, merong pito hanggang walong talampakan ang taas, ito ang tinatawag na Anubis.

...

Habang nag kakasiyahan ay napansin ni James na wala si Haley.

"Lucy, bakit wala si Haley?"

Tinanong nila si Chloe..

"Nakita mo ba si Haley?, bakit hindi sya nakikihalubilo sa atin?" tanong ni Lucy kay Chloe.

"Baka po nagbabasa ng libro sa kuwarto?"

"Ano ba naman ang batang iyan, marami naman oras mag basa ng libro ah,"

"Pupuntahan ko po sa kuwarto namin."

"Mabuti pa nga, sabihin mo pumunta sya dito at makihalubilo sa atin, kailangan nyang sulitin ang oras dahil uuwi na tayo bukas ng hapon,"

"Opo Tita Lucy," tugon ni Chloe.

Lumabas ng bath house si Chloe, habang naglalakad sya sa may hall way ay napatingin siya sa may bintana at may nakita sya sa labas.At pinag masdan nya ito ngunit medyo madilim at di nya gaanong maaninag, maya maya ay lumapit sya ng bintana.Nababakas ang anino ng Anubis habang lumalapit ito sa bintana.

"My Gad ano yon?" Kinabahang sabi ni Chloe at lumapit sya mabuti sa may bintana para silipin at alamin kung ano yung kanyang nakikita.

"Ano yun?"

Sabi nya sa kanyang sarili. Nang medyo malapit na ang Anubis sa may bintana ay doon lamang nabanaag ni Chloe ang korte nito at kinilabutan siya.

Napaatras si Chloe sa may bintana ngunit hindi sya makasigaw.

At sa sobrang takot ay napatakbo si Chloe pabalik ng bath house.

"O Chloe tinawag mo na ba si Haley?" Sabi ni Lucy nang sya ay nakita nito.

"Hi...hin....Hindi po....." Nangangatog na sabi nito.

"Ano ba nangyayari sayo Chloe bakit parang takot na takot ka?"

"K-Kasi po........m-may ..... nakita ........ akong ..... kakaibang...... nilalang ......sa labas ng bintana kaya sa sobrang takot ko po di na ako tumuloy pumunta sa kuwarto namin,"

"Ano ba ang mga sinasabi mo?"

"Umalis na tayo dito!" takot na takot na sambit ni Chloe.

Maingay sa loob ng bath house dahil sa sounds na pinapatugtog ni Oliver kaya silang dalawa lang ni Lucy ang nagkakarinigan.

At Maya maya pa, habang nag kakasiyahan sila ay nakapasok na ang Anubis sa bintana ng castle house, at naka pasok sa loob nito, naglakad ang Anubis at narinig nya ang tugtog mula sa bath house.

Samantala masaya silang nagkakasiyahan, hindi pinansin ni Lucy ang sinabi ni Chloe at nakatulala si Chloe na naupo sa isang tabi.

Nakaupo si Chloe sa tabi ng speaker at yakap nya ang kanyang mga tuhod.

"Ano yung nakita ko?" Sabi ni Chloe sa kanyang loob.

At makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang Anubis sa loob ng bath house.

Napatingin si Chloe sa pinto at laking takot nang nakita niya ang Anubis.

"Ahhhhhhh!" Naghihiyaw na sabi ni Chloe. Walang nakakapansin sa hiyaw ni Chloe dahil maingay ang sounds at patuloy sila sa kasiyahan.Nasa tabi ni Chloe ang speaker at kanyang ini off ito kaya nagkaroon ng katahimikan.

"Ahhhhhh!" Patuloy na sigaw ni Chloe.

Napalingon ang lahat...

At tumambad sa kanilang harapan ang Anubis.

"Ahhhhhhhhh!" napahiyaw silang lahat sa takot at napa atras sa kanilang kinalalagyan...

Mabilis na umahon ang mga ito sa malaking bath tub at naglapitan sa kanilang mga magulang at doon sila ay nagkumpulan sa sobrang takot.

...................

Samantala ... sa silid si Kaizar at Haley ay naulinigan nila ang mga hiyaw.

"Ang pamilya ko, bakit parang sumisigaw sila?"Nag aalalang sabi ni Haley.

Kinabahan si Kaizar..

"Si Abayomi! ginamit na nya ang golden plate?" wika ni Kaizar at napaupo sya.

"Kaizar natatakot ako!"

Nag bihis agad silang dalawa at kinuha ni Kaizar ang sandata na nasa pader ng hall way at binuhat nya si Haley paakyat ng spiral na hagdan.At nang sila ay nakaakyat ay binaba nya si Haley at dahan dahan silang nag lakad papunta sa bath house.Takot na takot si Haley, nakahawak sya sa mga bisig ni Kaizar. At paika ika itong nakasunod kay Kaizar at nakahawak sa kanyang mga braso.

Nagsisigawan ang pamilya ni Haley, nagimbal silang lahat sa itsura ng Anubis na lumalapit sa kanila.

"GRRRRRRR!!!!!!!GRRR!"

At ilang sandali ay biglang dumating ang lima na katiwala na lalaki, laking gulat nila nang nakita nila ang isang Anubis, kinuha nila agad ang sandata na naka kabit sa ding ding, at umakma silang makikipag laban dito.

Nakipag sagupaan sila sa Anubis ngunit sa kasawiang palad ay napatumba at napatay sila nito. Lalong nag sisigaw sa takot ang mag anak.....

"Mamamatay na tayo!" Naghihisteryang sabi ni Chloe, hindi sila makaalis sa kinalalagyan nila, nakaharang ang Anubis sa kanilang harapan.

Maya maya ay may pumasok na dalawang katiwalang babae at nagimbal sila sa kanilang nakita, napalingon sa kanila ang Anubis at pinag tataga sila nito ng hawak nitong sandata.

Matapos nitong mapatay ang mga katiwala ay sa kanila naman ito bumaling at dahan dahang lumalapit sa kanila.

Tumingin ang Anubis kay Chloe at hinablot siya nito at hinawakan ang kanyang leeg ng kaliwang kamay nito at iniangat si Chloe sa ere.

At nang nakita ito ng kanyang ama ay lumapit ito para iligtas ang kanyang anak ngunit sinipa sya ng Anubis at tumilapon ito at tumama sa pader.

"Allen!! Allen!" Nag sisigaw na sabi ni Eleanor.

Habang walang laban na sinasakal ng Anubis si Chloe ay biglang dumating si Kaizar, nasa labas ng bath house si Haley, at takot na takot ito nang nakita nya ang Anubis na hawak hawak sa leeg si Chloe.

Pag pasok ni Kaizar ay nakita sya ng Anubis at inihagis nito si Chloe at bumagsak ito sa sahig, tumakbo agad si Chloe sa kanyang ina at iyak ng iyak sa takot. Nagharap si Kaizar at ang Anubis at nag laban, nag palitan sila ng pag sangga ng kanilang hawak na sandata.At doon lumabas ang katapangan ni Kaizar, hanggang sa napugutan ni Kaizar ang ulo ng Anubis. Namangha ang lahat sa ginawa ni Kaizar at nang bumagsak sa sahig ang Anubis ay nagtakbuhan silang lahat palabas ng bath house. Nag kamalay na si Allen at inakay sya ng kanyang anak na si Oliver, paglabas nila ng bath house ay nakita ni Lucy si Haley.

"Haley!" Niyakap nya ito at sabay sabay silang tumakbo sa hall way, hinahanap nila ang labasan papuntang main door.

"What the fuck is that?" sabi ni Kyle habang hawak hawak ang kamay ni Jazzi na takot na takot.

"Ikaw, alam mo ba kung ano yun?" tanong ni Oliver kay Kaizar.

...

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon