Kasalanan ng Nakaraan
Alam natin na lahat ng tao ay marunong magalaga, magalala, magtiis, magsikap, magaral, magtrabaho, magtampo, magaway, magasawa, magpatawa, etc. Halos lahat na ng salitang may "MAG" sa unahan. Ngunit merong isang namumukod tangi, at ito ay, "Ang lahat ng tao ay marunong MAGMAHAL."
Pero bakit ako di ko alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal? Hindi ba ako isang normal na tao? Bakit ako lang ang naiiba?
"Anak, paki lagay nga ito sa lamesa paramakapagsimula na ang pagdiriwang." Nabalik ako sa realidad ng magsalita ang Tatay Merling ko.
Agad akong tumayo at kinuha sa kanya ang isang lalagyan ng pansit bihon. Kaarawan kasi ni Kassandra ngayon. Ngayon ang kanyang ika-dalwang kaarawan.
"Naynay!" humahagikgik pang sabad ni Kassandra habang tumatakbo papalapit saking gawi. Nilagpasan niya ako at tumakbong nakataas ang kamay kay Nanay na para bang nagpapahiwatig na nais niyang magpabuhat.
"Oh anak, magdahan dahan ka lamang. Baka madapa at masugatan ang aming prinsesa." Tuwang tuwa naman siyang sinalubong at binuhat ni Nanay.
Ako naman ay dumiretso sa lamesa sa hapag. Dumadami na rin kasi ang bisita. Kailangan ng mailabas ang lahat ng pagkaing iniluto.
Puno ng kwentuhan at tawanan ang bahay. Nagkaroon lamang ng kaunting salu-salo ang aming maganak para sa pinakabatang parte ng aming pamilya -- si Kassandra.
Natapos ng maayos at masaya ang handaan at malamang ay kaming lahat ay pagod na.
"Kass, halika na. Aakyat na tayo para makapagpahinga ka na. Masaya ka ba sa iyong kaarawan?" Pagtatanong ko sa kanya habang umaakyat kami papunta sa aking silid.
"Opo! Opo! Kass Kass tuwa!" Sabi niya sabay ang pagpalakpak ng kaniyang maliliit na kamay. Hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Nilinisan at binihisan ko siya ng pabtulog para makapagpahinga na kaagad. Sabay kaming nahiga sa kama naming dalawa. Kaming dalawa ang magkatabi sa pagtulog samantalang sila Nanay at Tatay naman. Si Kuya Andros sa isa pang kwarto.
"Goodnight Kassy! Mahal kita." Sabay yakap at pikit.
Napapaisip na naman ako. Tuwing gabi na lang ba ako ganito? Dalawang taon na ang nakakalipas pero di pa rin ako makaalis sa puot na nasa puso ko. Hindi ko na naiisip ang munting anghel na walang kamalay malay sa katotohanan. Kelan kaya ako magkakaroon ng lakas upang makatayo akong muli?
<°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°•.•°>
“Kier, oh pano? Mauuna na kami. Ayos ka lang ba?” Tanong sakin ni Loise.
“Oo, sige. Okay lang ako. Kaya ko naming umuwi magisa. Sanay na ako.” Panigurado kong sabi sa kanya.
“Kier, iba naman kasi ngayon.. Gabi na, madilim na. Baka mapano ka pa.” Nagaalala pa rin niyan lintanya.
“Okay lang talaga ako Loise. Sige na mauna na kayo, dumidilim na masyado.”
“Siguado ka ba?” Tumango na lamang ako at nakitang tumalikod sila Loise. Kaya tumalikod na din ako at nagsimula ng maglakad. May tinapos pa kasi kaming proyekto, kaya inabot kami ng dilim. Mabuti na lang may kalapitan nag bahay naming ditto, isang sakay lang ng jeep at konting lakad makakuwi na ako.
“Para po. Saglit lang.” Sabi ko sa drayber atsaka bumaba na sa kanto naming. Sobrang dilim na nga, wala pa naman ding tao na masyado. Tanging ilaw na lang sa poste ang dahilan kung bakit makikita ang daan.
BINABASA MO ANG
Unusual Love Stories
Genel KurguUnusual not normal or usual. Sa tagalog hindi pangkaraniwan. Hindi pangkaraniwang nakikita, narirnig, natitikman o kung ano pa man. Ngayon mababasa natin ang iba't - ibang love stories na very unusual or di pangkaraniwan. ---------- MagandangKheyy. ...