Lahat ng binitawan mong salita
Sa puso ko'y parang balang tumama
Di mo ba alam na akoy nasasaktan
Sa mga sinasabi mong wala namang katotohananMahirap bang tanggapin kung ano ako?
Ba't ako'y kinukumpara mo kung kani-kanino?
Hindi pa ba sapat ang pinapakita ko?
Hindi pa ba sapat na nandito ako para sayo?Tintiis ko lahat ng sakit dahil mahal kita
Hindi ako bumibitaw kasi alam kong kaya ko pa
Pero kasi sumusobra ka na talaga
Sobra na ang sakit na aking nadaramaAno bang gagawin ko?Ano bang tama?
Susuko na ba ako o lalaban pa?
Mananatili pa ba ako sa tabi mo?
O lilisan na ko?