Nagseselos ako
Oo,totoo
Minamahal kasi kita ng todo-todo
At ayokong may umagaw sayo
Gusto kong nasa akin lang yung atensyon mo
At wala sa iba
Napaka selfish man pakinggan
Pero mahal kasi kita
Mahal kita
Tangna mahal na mahal kita
Masyado mang possesive
pero ganyan talaga yan
Ayaw kasi kitang mawala
kaya kita pinoprotektahan
Ayaw kasi kitang mawala
Kaya kita binabakuran
Ayaw kasi kitang mawala
Kasi sino ba namang may gusto nun dba?
Sino ba namang gustong mawalan ng minamahal nila
Nakakasakal ba?
Pasensya ka na
Ganyan talaga ako pagnagmamahal
Ayokong may kahating iba
Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan
pero natatakot lang kasi akong maagawan
Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan
pero natatakot lang talaga akong mawalan
Lalo na kung ikaw yung mawawala
Hindi ko talaga yun makakaya
Naiisip ko pa nga nalang nakakaiyak na
Paano pa kaya kung nangyari na?
Kaya pasensya ka na kung nagseselos ako
Minamahal lang kasi kita ng totoo
At ayoko ng malayo sayo
- - - - - - - - - - -
A/N:Taena ang corny🙈😂😝