Sa pagtagal niyong dalawa
Di mo maiwasan na may maobserba
Mga pagbabagong nagsisimulang lumitaw
Mga pangyayaring di katulad ng kinagisnan mong mga araw
Habang tumatagal ay may nagiiba
Habang tumatagal ay naninibago ka na
Pero ganun nga ata talaga
Relasyon ay di palaging katulad ng umpisa
Sa simula itoy punong-puno ng kasiyahan at pagmamahalan
Ngunit habang tumatagal mas dumadami ang alitan at sakitan
Wala kang magagawa kundi itoy tanggapin
Hindi dahil sa ika'y napipilitan
Pero dahil alam mong kaakibat ng pagmamahal ay mga pasakit rin
Subalit hindi mo lang talaga maiwasan ang pagdududa
Kung relasyon lang ba talaga ang nagbago o pati na rin ba ang pagmamahal niya