Parang di mapaghiwalay kung tayo lang dalawa
Pero parang di nmn magkakilala
Pag may ibang nakakakita
Di masyadong nagpapansinan
Sa mataong lugar
Baka kasi may makakita
At magkaproblema nanaman
Hindi pwedeng ipagsabi
Kung anong meron tayo
Bawal daw kasi
Kaya tayo naging sikreto
Pagmay ibang tao
Hanggang tingin na lang
Di pwedeng lapitan
O kahit kausapin man lang
Nakakatakot kasi baka may mka alam
Nakakatakot kasi baka may mka halata
Ayaw ko namang mamaalam
Pagpinaghiwalay na tayong dalawa
Ingat na ingat sa pagtago....
Bawat kilos ay pinagiisipan ng husto
Ayaw kasing mabisto
At baka magkasakitan lng sa dulo
Mahirap magtago ng sikreto
Kung ang sikretong to ang nagpapasaya sayo.
Mahirap talaga magtago ng sikreto Kung ang mismong sikretong to ang gusto mong ipagmalaki sa buong mundo
