Pusong ligaw

23 1 0
                                    

Ang puso kong naligaw
Ay di ko na matanaw
Hindi ko na to mahagilap
Kahit saan man ako maghanap
Hinanap ko na sa hilaga
Pero wala akong nakita
Pumunta ako sa Silangan
Pero wala akong pusong naabutan
Nagpunta na rin ako sa Kanluran
Pero wala akong nadatnan
At panghuli sa timog
Pero wala ang puso kong durog
O puso ko nasaan ka na?
Ba't iniwan mo kong nagiisa?
Wala akong nagawa kundi umiyak
Umiyak dahil nawala ang puso kong biyak
Ngunit isang araw ay may dumating
At may nais siyang iparating
"Iyo to diba?"sambit niya
Ang matagal ko ng hinahanap
Ay nasa kanya pala
Ang puso ko ay nasa kanya
At inalagaan niya ito
Di gaya ng iba
Naligaw ito ng pira-piraso
Pero pagbalik niya...
ay buo na ulit ito.

💔➡💖

When Boredom StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon