Sa malayong lugar may nakatira
Isang binibining sobrang ganda
Siyay palaging nakangiti at masigla
Di mo masisilayan ng lungkot ang kanyang mga mata
Ngunit isang araw may dumating
Isang ginoong matipuno at kay lakas ng dating
"Binibini halikat dadalhin kita sa bayan"
"Ayoko ginoo.Akoy iyong lubayan"
"Binibini bat ditoy ayaw mong lumisan"
"Dito na ang aking nakagisnan"
"Subalit delikado dito.At ikay nagiisa"
"Wala akong pake dahil dito ako masaya"
"Anong kasiyahan ang naririto?"
"Mga masasayang alaala ng nakaraan ko"Soneto 4