Kasi meron nanamang "kayo"

15 0 0
                                    

Sa bawat araw na nagdaan wala akong ibang ginawa kundi unawain ka
Wala akong ibang ginawa kundi intindihin ka
Kahit minsan sobrang sakit na
Palagi nalang ba ganito?
Iintindihin kita kahit mali na ang ginagawa mo?
Uunawain kita kahit ilang beses mo na kong niloloko?
Mahal hanggang kailan?
Hanggang kailan kita uunawain at iintindihin?
Sa bawat sorry mo,ilang beses pa kita kailangang patawarin?
At pagkatapos kitang patawarin,ilang beses mo pa ba to gagawin?
Kasi wala ka naman atang balak magbago
Inuulit mo pa rin yung mga kasalanan mo
Mahal,paalala lang ha.May hangganan din ako.
May hangganan din yung pagiging tanga ko.
Kasi mahal napapagod na ko
Napapagod na kong magbulagbulagan kahit alam ko naman yung totoo
Napapagod na kong maging tanga sa paniniwalang ako lang ang mahal mo
Kasi alam ko namang hindi.
Hindi lang ako.
Hindi lang ako ang minamahal mo.
Anlakas pa ng loob mong ibigay sakin ang fb account mo
Para saan?
Para makita ko yung iba mong kalandian?
Para mabasa ko yung mga chat niyong puno ng kataksilan?
Minsan ko na ngang nabalitaan na may kasama kang iba
Pero binalewala ko yun kasi mahal kita
Pero teka lang ha pang ilan na nga ba to?
Pang ilan na ba tong ginawa mong panloloko?
Una,Pangalawa,Pangatlo?
Hindi ko na alam
Ang alam ko nalang ay pagod na ko
Sawang sawa na ko
Susuko na ko
Susukuan ko na tong tinatawag nating "tayo"
Kasi meron nanamang "kayo"

When Boredom StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon