Akoy umibig
ngunit nasaktan
Ang puso kong nagmahal
Ay naiwang sugatan
Sa pagkawala mo
Akoy nawalan
Sa pagkawala mo
Akoy naiwang luhaan
Ngunit paglipas ng panahon
Akoy natauhan
Akoy umahon
Sa dagat ng katangahan
At kailanman ay hindi ko na babalikan
Ang mga nangyari sa nakaraan
Lahat ng ito ay akin ng kinalimutan
At itinapon na sa kawalan
Ngunit ang puso kong namatay
Ay hindi parin nabubuhay
Itoy kumikirot parin
Dahil sa iyong pagkawalay
Pero alam ko pagdating ng araw
Titibok muli ito
At sinisigurado ko
Na sa muling pagtibok nito
Magbabago na ako
Sa muling pagtibok nito
Hindi na ako magiging uto-uto
Na sa muling pagtibok nito
Hindi ko na paiiralin ang katangahan ko
Na sa muling pagtibok nito
Wala ng pwedeng manakit dito
At sinisigurado ko...
Sinisigurado ko
At talagang sisiguraduhin ko
Na sa muling pagtibok nito
Hindi na to dahil sayo
Na sa muling pagtibok ng puso ko
Hindi na ikaw ang nilalaman nito.