Chapter -1-

5.2K 74 0
                                    

Chanel's POV

Nagmulat ako ng aking mga mata. Nasaan ako? Puro puti lang ang nakikita ko. Ano bang nangyari?


May pumasok sa loob. Ngayon ko lang nalaman nasa ospital pala ako. Unti-unti nang bumalik sakin ang mga nangyari. Simula nang sabihin sakin ni zach ang totoo at ang pagtataksil nila. Humagulgol na ako ng iyak.


"Oh my gee! Chanel ayos na ba ang pakiramdam mo? Sabi ko na nga ba eh. May kalandiang taglay yang bestfriend natin ay mali exbestfriend pala! Sinundan ko kasi siya nung umalis siya ng bahay" sabi sakin ni Angela habang pinapatahan ako.


Nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni lexi, lalong lumakas amg iyak ko. Feeling ko mawawalan na ako ng hininga kaya pinakalma muna ako ni Gelay.


"Gelay bakit siya nagkaganon? Mahal na mahal ko si Lexi. Okay lang na mawalan ako ng boyfriend kasi marami pa naman diyan hindi ako mauubusan, pero amg mawalan ng bestfriend?"


Sobrang sakit kasi lumaki ako na silang dalawa ni gelay ang kasama ko, nilagpasan ko lahat ng problema ng dahil sa tulong nila lalo na ni Lexi. Hindi ko alam na nilalandi nya na ang boyfriend ko kapag nakatalikod ako at ang mas masaklap nagpaakit naman ang boyfriend ko kaya magpapakasal na sila.


Ang sakit.... Sobrang sakit dinaig ko pa ang namatayan ng mahal sa buhay although naranasan ko narin yan nung mawala ang parents ko. All this time niloloko lang pala nila ako? At ako naman itong si tanga at manhid nagpaloko at nagpauto. Ang tanga tanga ko. Nagmahal lang ako pero hindi ko alam na ganito pala kasakit. Kasi nainvolve dito si lexi at ang mas malinaw na term is trinaydor nya ako. Akala ko pa naman suportado siya sa relasyon namin yun pala gusto niya lang mapunta sakanya ang boyfriend ko.


"Tahan na Chanel, makakayanan mo to nandito lang ako tutulungan kitang makabangon at magmove-on pero alam kong hindi ganun kadali iyon pero kakayanin natin! Fighting lang!" Sabi sakin ni Gelay.



Sinabi niyang magpahinga muna ako at gigisingin nalang pag kakain na. Sabi ng doctor okay na daw ako kaya lang dapat muna magstay kahit 2-3 lang para makapagpahinga stress daw kasi ako kaya ako hinimatay.


Iniisip ko palang lahat ng nangyari, naiiyak na ako. Sa panahong may problema at umiiyak ako si lexi o ang boyfriend ko ay mali ex ko ang nagpapatahan sakin kung sakaling wala si Gelay. Pero ngayon silang dalawa na ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako.


*****

Nagising ako ng marahang tapikin mi Gelay ang braso ko.


"Chanel gising na, at kumain ka na ng makainom ka ng gamot." Sabi sakin ni Gelay.


Tinitigan ko lang ang lugaw na nakahain sakin. Wala akong gana ni hindi ko nga maramdaman na nagugutom ako kahit isang araw na akong hindi nakakakain.


"Gusto mo ba subuan nalang kita?" Tanong sakin ni Gelay. Alam kong naawa sakin si gelay dahil siya ang witness kung gaano ko kamahal si Zach at Lexi.


"Wala akong gana eh." Sabi ko sakanya.


Nanlumo naman ang itsura niya. Sorry Gelay sana maintindihan mo ang kalagayan ko. At sana hindi ka kagaya ni Lexi na trinaydor lang ako. Dahil sa isiping iyon bigla ko nalang yinakap si Gelay.



"Gelay wag mo akong iiwan ah. Ayokong mawalan ulit ng kapatid." Sabi ko sakanya habang nakayakap siya sakin.



"Oo, pangako ko sayo Chanel nandito lang ako, anong gusto mong gawin natin sa haliparot na Lexi nayan. Bwiset sya! Traydor!" Kumalas ako sa yakap namin at napangiti. Baliw talaga itong si Gelay.




"Thank you ah Gelay kasi hindi ka nagsasawa sa pagdamay sakin. Dati-rati lang kayo pang dalawa ni Lexi ang dumadamay sakin yun pala plastik lang sya sakin nun. Sinabi niyang ako nalang daw palagi ang magaling at napapansin sa orphan. Salamat talaga." Sincere kong sabi sakaniya.



Lumipas ang tatlong araw at masasabi kong may improvement naman sa kalagayan ko nabawasan ang depression ko at nakakakain narin ako, salamat talaga sa kaibigan kong si Gelay kung hindi dahil sakanya baka nagbreak down na ako.


Ngayon na ang araw na pag-uwi ko sa orphan. Kinamusta nila ang kalagayan ko, wala pa silang alam tungkol kay Lexi at Zach. Kilala kasi sila dito dahil madalas magpunta dito si zach. At wala naman akong balak na sabihin sa kanila. Magkakagulo lang at ayokong mag-alala sila sakin.


Pagpasok ko sa kwarto natulog nalang ako kasi tapos narin naman akong magtake ng meds.

****

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon