Chapter -2-

3.5K 60 0
                                    

Chanel's POV

Usap-usapan ang kasalan nina Zach at Lexi sa loob ng orphanage. Sinabi nilang si Lexi daw ang nagsabi nun sakanila. Talaga nga naman, kapag malandi ka talaga eh noh? Gusto niya ata akong kaawaan dito eh. Pwes nagkakamali siya ng akala, hindi ako basta basta nalang sumusuko.


Tinatanong nila ako patungkol doon sa kasalan ng dalawang taksil dahil nga naman na ako ang girlfriend pero si lexi ang pakakasalan, na kesyo malandi daw si lexi dahil nang-agaw daw siya ng may boyfriend nang may boyfriend at sa bestfriend nya pa yun ginawa which means Sakin, na kesyo kawawa naman ako kasi pinagtaksilan ako ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Hindi nalang ako nagpapaapekto kahit na kating kati na ang bibig kong magsalita. Ayokong umiyak kasi paniguradong sasaya at kakawawain pa ako ni lexi pag nalaman niyang mahina ako.




Napagpasyahan kong makipagkita sa ex ko, lilinawin ko lang lahat. Gusto ko ng maayos na closure bago sila magpakasal ng traydor kong bestfriend. Don't get me wrong hindi ko sya hahabulin. Kung ginamit niya lang ako edi tangina nya pakamatay nalang siya baka sakaling umunlad ang pilipinas nang mabawasan ang manggagamit. kung gusto niya isama nya na yung Fiancee nya. Bwisit. Nabibitter tuloy ako.




Tinext ko siya at sinabing mag-usap kami nung una ayaw nya pero nagpumilit ako kaya sa huli pumayag nalang siya, akala niya siguro hahabulin ko siya well.. Manigas siya. Pinili niya akong saktan kaya kung sakaling marealize niyang hayop yang ex-bff ko, wala na siyang babalikan sakin.




Nakataxi ako ngayon papunta sa SB. Nag-iisip and at the same time nalulungkot. Hindi ko naman kayang magtanim ng sama ng loob, ganun ako eh, galit sa una pero mawawala din pag nagtagal na.




"Mam nandito na po tayo" sabi ni manong. Binigay ko ang bayad at tuluyan ng pumasok sa loob, wala pa siya. Pumili ako ng pwesto at umupo. Nag-order narin ako ng frappe.




Maya-maya lang nakita ko na siyang naglalakad sa pwesto ko habang nakakunot ang noo. Yun bang 'istorbo naman neto' look nya sakin. Nag-order muna siya, wow ah akala nya naman magtatagal ang usapan namin. Edi wow nalang sakanya.




"Nandito ako para magtanong tanong tungkol sayo at kay lexi" panimula kong sabi sakanya. Kahit na masasaktan ako sa gagawin ko wala eh, desidido na akong malaman ang lahat, yun ba yung masokista daw, kung yan ang tingin mo sakin edi wow nalang sayo.



Bored niya lang akong tunignan. Masasabi kong hindi niya nga ako mahal base sa mga pinapakita at pakikitungo nya ngayon sakin. Pero ang galing niyang umarte, sa sobrang galing umarte pwede na siyang gawaran ng Most manloloko at manggagamit award.



"Kailan pa naging kayo?" Tanong ko, iniiwasan kong gumaragal ang boses ko dahil ayokong maawa siya sakin.



"Pagkatapos ng anniversary natin." Ibig bang sabihin nun 1 year nasilang may relasyon ng hindi ko alam? Ang sakit.



"Thank you sa pagsagot. Pinatawag kita para sa maayos na closure. Nung nakipagbreak ka kasi hindi ako nakapagsalita." Ngumiti ako ng mapait.



"Oo, hiwalay na tayo. Sana maging masaya ka." Sabi ko at tuluyan na siyang nilisan.


Akala ko siya na ang para sakin, ang makakasama ko habang buhay pero lahat pala ng akala ko mali.

Baka nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa Zach.
Maging masaya ka sana. Magmomove on ako. Pangako ko.


Umiiyak nanaman pala ako. Hays sobrang saklap ko nman ata? Nawalan n nga ako ng boyfriend nawalan pa ng bestfriend. Nakakalungkot pero hahayaan ko nalang sila.



****

Sunod naman na kakausapin ko ay si Lexi, ang taong pinagkakatiwalaan ko ay siya rin palang tatraydor sakin. Anong klase ka lexi?

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon