Chapter -22-

2K 43 1
                                    


Chanel's POV

Andito ako sa lamesa tinitignan ang pagsesenti ni Justin. Nakatulala lang.

Galit pa ako dito eh pero di ko matiis. Dalawang araw lang naman hindi umuwi sa bahay. Nag-alala ako ng sobra sakaniya. Muntik ko pa nga siyang ipablotter sa pulis eh. Nandun na papasok yung mga negative thoughts. Yun bang, baka narape na siya sa sobrang kagwapuhan niya, baka dinumog na siya sa lakas ng karisma niya. Baka pinatay na ang labi niya sa dami ng gustong humalik. Ganyan.

Hays! Ewan ko ba. Alam kong gusto lang to o paghanga, pero kasi iba yung feels.

Alam niyo yon?

Yung feeling na ganon?

Aish.

"Young master." Tawag ko sakanya. Nakatulala parin.

"Huy. Young Master." Mahinahon kong sabi. Aba. Hindi parin kumikibo. Tulala parin, muntanga lang.

Lumapit ako sa tenga niya.

"WAAAAHHH!! MAY SUNOG!! SUNOG!" napaurong siya dahil sa sigaw ko.

"NASAN?! NASAAN" palinga-linga pa siya.

Tumingin siya saakin. Nagpipigil ako ng tawa dito baka mabugahan ako ng apoy niyan eh.

"Wala. Wala ka kasi sa sarili eh." Sagot ko sakanya.

"Tch. Tinakot mo ko." Di ko na tuloy napigilan. Tumawa na ako ng malakas.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya.

"Naalala ko lanh kanina yung pinapanood ko. Tungkol yun sa isang lalaking muntangang nagsesenti habang nakatulala. Tas ginulat siya. Yung mukha niya ang epic lang! Grabe. Ang galing ng director nun." Tas tumawa na ulit ako ng malakas. Tinignan ko siya.

Uh-oh

"Isa pa." Tinignan niya ako ng masama.

"Chanel." Napatingin ako sakanya. Umiinom kami ngayon, light lang naman.

"Hmm?" Tanong ko at uminom ng light beer.

"Kung mahal mo ang isang tao. Ipaglalaban mo ba siya?" Nabuga ko ang iniinum ko.

"Ano ba! Kadiri to. Oh." Inabot niya sakin towel.

Kinuha ko naman yun at nagpunas ng bibig.

Malaking Turn-off.

"Seriously? Yan ba talaga ang itatanong mo?" Tinignan ko siya kaya lang nag-iwas siya ng tingin at namula.

Cute. Nagblush.

"Sagutin mo nalang!" Pasigaw niyang sabi.

Galit? Galit lang kuya? Tch.

Tumungga muna ako bago nagsalita.

"Well for me, Yes ipaglalaban ko yung feelings ko until sabihin niyang tumigil na ako. Alam mo kasi, pag nagmahal ka kaya mong magsakripisyo, even if that's your happiness. Nasasaktan ka man makita siyang kasama ang taong mahal niya atleast nakikita mo siyang masaya. I will fight for it as long as hindi niya ako pigilan. That's love. Para saakin. Love is sacrifice." Ang drama ko naman.

Nakatigin lang siya saakin. Hanggang sa matapos ako.

"Paano kung hindi mo kaya?" Aish. Nasa hot seat ba ako.

"Pag mahal mo ang isang tao, lahat kakayanin mo para sakanya. Ganun lang yun. Mahal mo nga eh." Sagot ko. Ewan ko ba bat napunta sa LOVE ang topic namin. Siya naman nagsimula eh.

"Kahit na masaktan ka pa. Okay lang basta makita mo siyang masaya." Dagdag ko pa.

"So you should set him free?" Tanong niya nanaman.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon