Chapter -35-

3.1K 61 8
                                    


Chanel's POV

Lunes na ngayon at start na ng regular class. Kagigising ko lang habang si Dessa naman ay natutulog pa. Aish. Napasarap ang tulog niya siguro.

Hinayaan ko nalang siya at pumunta na lang ng kusina para magluto ng agahan. Marunong naman akong magluto eh sadyang tamad lang.

Nagprito lang ako ng itlog and hotdog. Nagsaing ng kanin. Nagluto ng Corned beef. Pagkatapos magluto ay hinanda ko na ang pinggan, baso, kutsara at tinidor.

"Ahhhhhh." Higab ni Dessa habang papalapit sa kusina. Nakapikit pa ang isa niyang mata. Kinilabutan ako ng bigla siyang ngumisi na parang tanga at nagtatalon. Humihiyaw pa siya at kumakanta ng Kpop song na mali mali naman ang lyric.

"Woohhhh! Parte! Parti! Oh yeah!" May pa sway sway pa siya ng kamay.

Kumuha ako ng dalawang takip ng kaserola saka ko ito kinalampag ng malakas.

"SHIT!!" Napatakip siya sa tenga habang ako naman ay hindi maiwasan ang pagtawa ng malakas. Mukha kasi siyang nautot eh!

"Ano ba?! Kitang nag-eenjoy yung tao eh! Panira ka talaga Chanel!" Singhap niya sakin. Binatukan ko nga.

Dumaing siya. Napamura pa ang loka.

"Mukha ka kasing tanga eh. Ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko saka umupo. Umupo narin siya saka nagsalin ng pagkain sa plato.

Napatigil siya sa pagsasandok ng kanin sa sinabi ko. Tumingin siya sakin habang ngumingiti ngiti na naman. Feeling ko nga iiyak na siya eh.

"Eeeeeeeeh! Kese nemen eeehh!" Pabebe pa.

"Ano nga gaga?!"

"Inaccept kasi ni Matthew ko yung friend request ko sa facebook! Bes! Friends na kami sa facebook! Kyaaaaahhh~" Napanganga ako sa tinuran niya.

Yun lang yun?

"K." Ngumingiwi ko pang sagot.

"Wala kayang forever." Bulong ko pa.

"Hoy! I-congrats mo naman ako! Nakakainis ka ah! Tampo na ako!" Nagtampo pa ang muret.

"Edi wow. Kumain ka nalang." Saka ako kumain.

"Psh!" Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako. Sabay kaming pumasok sa room ni Dessa. Kapansin pansin agad yung tatlong itlog na nakatingin samin including Gelay.

Ngumiti sila samin at kumaway pa. Naglakad kami papunta sa upuan. Dumiretso agad sa upuan niya si Dessa habang kinukulit ang nakadukmong si Matthew.

"Matthew~ Oh mahal ko~~" kumanta pa ang bruha.

"Will you please shut up?!" Sigaw sakanya ni Matthew.

Binati ko naman si Gelay na katabi si Robin saka ko binalingan si Dwayne. Nginitian niya. Binati ko siya ng nakangiti.
"OMG! Nag please siya sakin! Bessy nagplease siya!" Tumitili pa siya. Putek. Nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"Tsss!" Singhal ni Matthew. Hindi ko maiwasan na mapatawa.

"Hi." Nakasmile niyang bati. Tinanguan ko nalang siya saka dumukmo sa lamesa.

Hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang titig ni Dwayne. Pakiramdam ko nga sinusugat na ako nun at anytime maglalaho na ako na parang bula.

Hindi na ako nakatiis kaya hinarap ko siya.

Nakatitig siya sakin at ang hirap mangsabihin pero shit! Ang gwapo niya. Feeling ko mag memelt na ako sa kinauupuan ko. Napalunok ako.

"B-bakit?" Nautal pa tuloy ako.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon