Chapter -15-

2.1K 54 0
                                    


Third Person's POV

Nagkakape si Anton Fuentes ng dumating ang tumatakbo niyang asawa at hingal na hingal pa ito.

"Hon. Anong nangyari sayo?"
Tanong nito sa asawa.

"Hon. Tignan mo tong dyaryo. Hindi bat si Chanel yan at anak natin?" Inabot nito ang tabloid na hawak kay Anton.

Napabalikwas ng upo si Anton. Hindi makapaniwala sa nakita.
Ano ba namang mararamdaman mo kung makita mo ang anak mong may kahalikan sa litrato at nasa balita pa at may iba pang dahilan.

"Oo nga Liza. Anong gagawin natin? Yung Press? Anong sabi? Nakilala ba si Chanel?" Tanong nito sa asawa.

"Hindi ko alam. Mabuti nga at nakatagilid sila dyan. Ano ba naman tong si Justin." Problemadong sabi ng asawa ni anton.

"Tawagan mo si Justin. Tamang panahon na para matuto siya. Isagawa na natin ang plano Hon. Kailangan na ni Chanel ang tulong natin."

Ngumiti ang asawa.

"Oo. Pero kailangan nating takpan si Chanel. Baka makilala siya. "

"Oo gagawa na ako ng paraan." Sabi ni Anton at may tinawagan.

***

Chanel's POV

Nandito ako sa salas. Nanonood ng TV. Wala sila mama at papa, may pinuntahan. Mukha pa nga silang nagmamadali eh.

Inabot ko ang kagagaling na dyaryo.

Pagbuklat ko..

O __________ O

ANO TO?

Kami to ni Justin eh. At nasa balita ako? FRONT PAGE PA?!

Model na si Justin Lee Fuentes. May Girlfriend na nga ba?

Ayan yung nakalagay sa Balita. Binasa ko lahat.

Model?!

Hell! Kung sikat siya. Ibig sabihin may mga fans siya?

Sa bagay ang gwapo niya kasi at ang hot niya! Ay. Lande. Galit nga ako sakanya eh.

Napahawak ako sa buhok ko.

Goodbye hair na ba ako?

Hinde! Ipaglalaban kita buhok ko. Kapit kalang okay? Poprotektahan kita sa mga fans ng Justin nayan.

Ano ba yan? Baliw na ata ako.

***

Justin's POV

Kaharap ko ngayon si Mama at Papa sa Sala. Ang seryoso ng mukha nila. Si mama nakataas yung kilay. Tapos si Papa, nakaserious attire.

May binagsak si Papa sa lamesa. Isang dyaryo.

Inabot ko yun at laking gulat ng makita.

Fvck?!!!

"Ano bang ginagawa mo anak?" Tanong ni mama.

"It was just a fling. Nothing more, nothing less."

"Fling? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan." Papa.

Galit talaga sila.

"Okay. Yung pagmomodel mo. Ititigil mo nayan. Nakausap ko na ang manager mo at nasabi narin ito sa press." Huh?

YESSSS!!!

Ngumiti ako.

"Pero sa isang condition. Kailangan mong protektahan ang babaeng nasa dyaryo."

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon