Chapter -29-

2.3K 34 5
                                    


Chanel's POV

"Nga pala. Gelay bakit hindi mo pa ipakilala samin yang asawa mo ng makilatis ng mabuti at matsek kung dugong malandi nga?" Malakas na sabi ni Dessa na akala mo sasabak sa boxing dahil sa nakayumos nitong kamay at pag-kunot ng mga kilay kasabay ng pag tiim ng bagang.

Ending?

Mukha siya tanga.

Promise mukha talaga siya tanga.

"Huhuhuhu... *SOBS* hik! Kasi naman ih!" Iyak na sabi ni Gelay.

Kinuwento niya kasi yung nangyari sakanila ng asawa nuyang malandi. Nakita niya daw kasi ito sa bar na kung ano anong kababalaghan ang ginagawa habang may kasayaw na pokpok na babaeng kinulangan ng tela sa suot na damit.

'Nagdamit pa siya neh?'

"Nakakairita na yang asawa mo ah! Ang sarap lang banlian sa kumukulong tubig! Ano gelay resbakan nanatin?!" Mukhang tangang tanong ni Dessa sakanya.

"Ano nang plano mo?" Tanong ko sa umiiyak na si Gelay.

Batid kong nasasaktan at nahihirapan siya sa sitwasyon niya itanggi niya man halata naman kasing meron na siyang feeling sa asawa niya.

Well, hindi naman siya maapektuhan ng ganyan kalakas kung wala lang sakanya yun eh.

Kahit ako gusto ko narin sugurin ang lalaking yun dahil sa ginagawa niya sa kaibigan ko. Gusto ko siyang ingudngod sa pader.

"A-ano b-ban-ng da-apa-t k-on-ng ga-awi-in??? *SOB*" Humihikbi niya nanaman sabi.

Sa pagkakataong ito gusto ko na talagang puntahan ang hinayupak nayun at pagsasapakin hanggang matumbasan nun ang sakit na ginawad niya sa bestfriend ko.

"Sa tingin mo? Ano nga bang nararapat mong gawin?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya. Natigilan naman siya sa pag-iyak.

Nag-isip siya tapos umiyak ulit.

Nakakaawa siya.

Napapikit ako sa inis at naiyukom ko ang kamao ko sa sobrang galit at guilt sa puso ko.

Pakiramdam ko wala akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam ko wala akong silbeng kaibigan sakanya.

"Kung ako sayo, iwan mo nalang yan! Paulit ulit kalang masasaktan dahil sabi mo nga ultimate playboy yun eh. Ano nga ba ang maaasahan mo sa isang babaero?! Di na nahiya alam niya namang may asawa na siya. Ano bang tingin niya sa sarili niya?! Pakqu siya!" Galit na wika pa ni dessa habang inaalo ang kawawang Gelay.

"Hindi niya naman kasi alam ang nararamdaman mo Gelay kaya niya ginagawa yan." Sabi ko.

"Akala niya kasi ay okay lang sayo kahit ang totoo hindi kasi wala naman siyang alam. Hindi niya alam ang feelings mo para sakanya." Dagdag ko pa.

"Ano ngang dapat kong gawin kung ganun?!" Sigaw niya.

"Kung gusto mong matigil na siya, aminin mo na ang feelings mo para sakanya." Sagot ko naman.

Natigilan siya ng hard at kababakasan nang pinaghalong pag-aalinlangan at pagkatakot ang kabuuan niya lalo na sa mga mata niya maraming sinasabi.

Umiling-iling siyang binaling ang pangin niya sakin at nagsimula nanamang mamasa ang mga mata niya.

"Ayoko. Natatakot ako. Paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung ipagtabuyan niya ako pagkatapos? Paano kung magabago ang pakikitungo niya saakin?! Ayokong mangyari ang lahat ng yun!" Tugon niya.

"So hahayaan mo na lang masaktan at ngumawa dyang ng lingid sa kaalaman niya? Ganon ba yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Natatakot ako.." Mahinang sabi niya pa.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon